Prayers
Hi mga momsh, hingi lang sana ako prayer niyo for my baby. ??? I'm on my 24 weeks and yesterday nagulat ako pag gising ko may blood sa panty ko, then bumaba na ako para i inform mama ko, nagpadala na ako sa ospital kasi sobrang pula ng dugo and nung umihi ako bumubulwak na siya prang may regla. Una nag punta kami sa government hospital but unfortunately hindi makapa ung cervix ko kasi nasasaktan ako at dumudugo hindi malaman kung bukas or hindi, wala din kasi ultrasound doon. So we decided na magpasugod na sa private hospital, then nacheck agad ako na ultrasound, ang nakita is mababa matress ko, pero nung chineck naman kwelyo ng matress mahaba pa at hindi naman bukas ung cervix ko. Pero na confine ako para pigilan ung pagdudugo ko, kasi kung hindi titigil ung pagdudugo ko may possibility na lumabas na si baby ng pre-mature. And hindi sure kung makaka survive siya since 6 months palang siya. ? Nagtataka lang ako kasi last march 04 nagpa CAS ako and normal naman lahat High Lying Placenta nga ako, pero bigla ganito. Kaya sa mga momsh na buntis magiingat po kayo kahit alam niyong hindi maselan pagbubuntis niyo, kasi hindi natin alam ung pwedeng mangyari. Kaya momsh please pag dasal niyo kami ni baby na huwag muna siya lumabas at kumapit lang muna. Thank you ?