Hello mga momsh. Gusto ko lang sana itanong kung sino rin dito na sakop ng husband niyo yung parents nila? Na hindi nagbabago yung padala sa kanila't same amount lang ng pinapadala sa'yo? May mga kapatid naman asawa ko pero di nagbago yung responsibility niya mula noon binata siya hanggang ngayon na magkaka baby na kami. Parang feeling ko lang kasi hindi na dapat gano'n, na dapat pag hati hatian na nilang magkakapatid at hindi puro sa asawa ko lang kasi sa totoo lang hirap rin ako mag budget na kahit gusto ko ng mamili ng mga gamit ni baby since ftm ako e hindi ko magawa kasi kahit may pera hindi sapat, nakakainggit lang yung ibang team august na nakakarami na ng bili samantalang ako abroad asawa pero kakaunti pa lang nabibili. Ni nagtitiis ako kasi nagbabayad rin ng utang yung asawa ko na nagamit namin at ng pamilya niya nung bakasyon niya dito sa pinas. Hindi ako umiimik regarding don kasi sa totoo lang ayoko naman magmukhang masama at isipin nilang controlado ko yung asawa ko kaya nag aadjust nalang ako. 😢 Tapos etong asawa ko sasabihan pa akong hindi ko naiintindihan yung sitwasyon kesyo napaluha ako sa post ng isang momsh sa fb group na team august din na halos kumpleto na gamit. HAHAHAHA ang bigat lang, naluha lang naman ako kasi yun lang tlga magagawa ko eh. 😭 Ang bigat sa dibdib. Hindi ko alam saan ako lulugar.
#1stimemom #advicepls #firstbaby
Anonymous