Fifingerin daw ni mil sarili niya.

Hi mga momsh. Gusto ko lang mag rant dahil sa MIL ko. Pinipilit niya kasi kaming bumili kaagad ng bahay (nakabukod na kami). Nakakainis lang kasi ilang beses na siyang sinabihan ni lip na ‘wag na muna kasi nag-iipon kami for downpayment para naman konti nalang babayaran namin. Marami rin kasi kaming babayaran like mortgage, rates, insurance, interest etc. pag bibili kami ng bahay kaya tinitimbang namin kung ano muna priorities namin pero hindi talaga siya makaintindi. ☹️ Kapapanganak ko lang last month at si lip lahat gumagastos dito sa bahay. Kahit nung buntis pa ako kinukulit niya na si lip na bumili ng bahay. Naiintindihan ko naman si lip e kasi kahit ako hindi ako nagmamadali lalo na’t months old pa lang si baby. Ini encourage ko nga si lip na mag-ipon muna kami kasi gagawin naming asset yung bahay kumbaga paparentahan muna namin para yung tenants rin ang magbabayad sa bahay. So, kanina na topic nanaman niya iyong pagbili ng bahay, as usual tinanggihan na naman ni lip si MIL. Ayon, nagalit daw si MIL nung sinabi ni lip na edi bigyan mo ako ng pera para makabili na kami ng bahay kasi minamadali niya kaming bumili. Sabi naman ni mil na hindi na daw makakabili si lip ng bahay kasi may baby na raw pero kahit may baby naman kami nakakaipon pa rin kami eh. Hindi ko alam kung bakit sobrang negative ni MIL talaga e, naapektuhan si lip sa mga sinasabi niyang ka negahan and as much as possible iniiwasan ko talaga si mil. Hilig kasi nun mang guilt-trip. Sabi saakin ni lip na kaya nagmamadali raw si mil kasi para may maipagmamayabang siya sa ibang tao at ayaw na ayaw yun ni lip atsaka nangyari na kasi na pinagsasabi ni mil yung pera na naipon namin sa relatives nya e. Anyway, ito talaga yung na shook ako sa sinabi ni lip sa akin kanina sinabihan siya ni mil na fifingerin daw niya yung puke niya (sorry sa word) pag makakabili si lip ng bahay. My lip inend niya ang call kasi nainsulto daw siya sa sinabi ni mil. Tama ba yung sinabi ni mil mga momsh? Para saakin ang sagwa pakinggan e kasi lalaki anak niya tapos sasabihin niya yun kay lip? May ganun ba talaga na pang iinsulto, first time ko kasi narinig yung ganun eh. Naiinis talaga ako sa sinabi ni mil kasi pwede namang iba yung sabihin niya diba? Nandidiri tuloy ako at nag iba na tingin ko sakanya. Hay.

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

momsh mukhang may tama ang MIL mo, huhuh baka naaapektuhan ng quarantine ... kagrabe dapat malaman nyo totoong kalagayan nya, kailangan nyamg ng kausap. naalala ko mother ko, ganyan din hilig magparamdam ng guilt lokw "ikaw kasi eh nung single ko puro ka gala,puro ka concert, puro ka lamon sa labas, ayan tukoy wala kang sariling bahay" 😭😭😭 tapos nag asawa ka pa. yun pala naalala ko matanda na talaga nanay ko, nadedepress kasi nalugi negsayo nya dahil sa quarantine

Magbasa pa
4y ago

pero iba ang nanay mo sa MIL nya kc nagsasalita ng malaswa. its not an excuse.