3months Postpartum

Hello mga momsh, gusto ko lang mag labas ng konting kaartehan haha. These past few months medyo na iinsecure na ako sa sarili ko, like sa weight ko ganon. Totoo ngang maraming magbabago once na naging mommy kna, minsan namimiss ko yung dating ako. Yung sarili ko lang iniisip ko. Kapag aalis ako wala akong ibang inaalala, mga ganun. Pero alam ko naman mga mie na minsan lang maging baby mga junakis natin. Kaya sinusulit ko na. Aminado akong di na ako nakakapag ayos minsan hahaha. Pero aaminin kong mas naging masaya ako nung dumating si baby. Sa ngayon, ky baby muna ako magfofocus. Tska na sa sarili ko. Yun lang mga momsh hahaha postpartum feels talaga.🤣 Kayo ba? mga mommies#theasianparentph kamusta kayo after nyo manganak?

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

What you’re feeling mommy is normal. And it’s good na narerecognize or may self-realization ka of what is happening (what you are experiencing). Ako before nagpostpartum din. May times pa minsan iiyak na lang ako basta..sad ako but not sure why :) Normal lang din and people should respect if masfocused ka sa anak mo now more than caring for your current appearance. Darating din yung time pag gusto mo na and ready ka na magayos and magpasexy ulit :) Ako since 2 years lang gap ng kids ko it took me this long (4 years) bago ako nakapagpapayat and nakapagayos yung super ayos ulit ng sarili and i am ok with it :) Worth it ang sacrifices for the kids ❤️

Magbasa pa
2y ago

True momsh. Salute sating mommies daming sacrifices since nagbuntis. 🥰