2x miscarriage :(
Hi mga momsh, gusto ko lang i share sainyo yung pinag daanan ko. :) August 2018 first baby sana namin ng BF ko pero at 8 weeks bigla ko na lang sya nilabas. nakunan ako.. after a month March 2019 nalaman ko ulit na buntis ako.. :) Masaya na me pangamba, dahil 8 PT binili ko non pero lahat malabo yung result so nag consult ako ob and nalaman Ng nila na mahina yung heartbeat ng baby tapos nakunan ulit ako at 6 weeks. And this October 2019 lang nalaman ko na pregnant ako, one day lang pagka missed ko ng period nag positive nako sa PT. As usual excited, masaya, pero mas lamang yung kaba. Di ako nag atubili nagpacheck up agad ako.. and then nalaman ko na 5 weeks na sya. Ayaw ako i ultrasound ng ob until mag 8 weeks daw. So everyday nabubuhay ako sa Kaba, kada ihi chinecheck ko qng me bleeding and luckily wala.. At nung 8 weeks na confirm na si baby na me healthy heart beat! And everyday pa din ako di makali kakaisip sa kanya kung okay ba sya, kasi nga once a month lang ang visit ke ob. so i decided na bumili nito mga momsh. Doppler nakuha ko sya for 500 pesos sa lazada sale. And worth it kasi until now na 24 weeks nako o 6 months, everytime na me mababasa ko na ganto ganyan nangyari sa kanila kahiy 6mos na tyan. kinakabahan ako, so check ko agad yung heart beat nya and it put me at ease everytime na nag woworried ako. Iniiwasan ko ang mangamba pero di maalis sakin na me dalawang kunan na. :) Sa mga mommy N me same experience kagaya ko worth buying yung ganto! :)
Dreaming of becoming a parent