#needyouradvice #pleasehelp

Hi mga momsh! Due date ko na this coming February 10. And gusto ko sana magpalit ng hospital to lying in na papanganakan. Since 3 months po si baby up to now na 8 months sya dun ako nagpapacheck up. Kaya lang kasi nagshare ng experience yung tita ko about sa hospital nung nanganak sya dun last week. Like masungit or sobrang strict ng mga nurses. Kapag naituro na daw sa bantay mo once, naiirita na sila kapag nagpaturo ulit. Meron din daw silang pinapasignature na naituro na nila yan ganto ganyan. Sa tingin ko that would be a problem for me kasi yung husband ko ang magbabantay sakin once na manganak ako. Syempre inexperienced pa kami since 1st baby namin ito. Badly need your advices if it is okay na magpacheck up na ko sa iba? And ano pong dapat kong sabihin sa previous ob gyne ko kung bakit ako nagskip ng check up sa kanya? Huhu. Thank you so much sa mga sasagot mga mommies.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

depende po yan sa inyo kung san kayo magiging comfortable, kayo naman po ang manganganak eh hehe