Worried Mom
Hi mga momsh may concern lang ako regarding sa little one ko. 2 years old na siya next month at naoobserve ko na parang late ang development niya tulad ng wala pa siya masyadong words na nabibigkas at wala pang phrases na nababanggit. Nakikita ko sa mga kasabayan niya na nakakapagsalita na ng phrases. I know that I shouldn't compare my little one to other kids but it makes me worried na parang late ang development ang lo ko. Ginagawa ko naman ang part ko as her mommy para turuan siya kaso minsan hindi siya nakikinig at nasusunod. Ano pong advices at tips ang maibibigay niyo po sa akin? Salamat po sa mga sasagot.



