28 Replies

Hindi kase natin masasabi kung ano pa mga mangyayare ehh buntis ako ngayon at sa november 20 pa due date ko,,,dati akong CS sa panganay kong kambal kaya sabi ni dra sakin kaya naman mag-normal at kakayanin ko kase isa nalang ngayon kahit gaano pa raw yan katagal may mga pagkakataon na baka, baka ma-CS ka ulit baka may mangyare wag naman sana sabi sakin,,pero kung walang magiging problema ehh di normal delivery tayo basta sa ospital nga kahit saan choice ko yan hindi ako pwede sa mga lying in clinic dun kana sa ospital atleast sila kumpleto sa gamit at andun na lahat ng pangangailangan mo if ever may mangyare kay baby. Yan ang sabi nya sakin nagtitipid pa naman kami ngayon bahala na.

Hello po. Sa pagkakaexplain ng OB ko saken, di naman daw po ganun. Titignan yung history kung bakit ka na-CS. Kelangan nyo lang po ipresent yung abstract nung unang procedure/delivery nyo para maassess po ng magpapaanak sa inyo kung pwede po kayo magnormal o hindi. Ako po CS sa dalawang kids ko. After 15months nabuntis na kasi ako. Ayaw ng 2nd OB ko na i-take risk kaya pinascheduled CS na lang nya ako. Hope this one helps.

depende po kung anong dahilan bakit ka naCS dati, kung ang dahilan nuon maliit ang sipit sipitan mo, cgurado yung susunod CS uli...pero kung iba ang dahilan nuon pwede naman ang VBAC, pero mas advisable ang CS ulit kasi may scar na ang uterus mo dun sa naunang CS, pwede mag-rupture yun kung sakaling magVBAC ka pa...

Depende sis. 7yrs pagitan ngayon ng panganay ko sa bunso (36weeks and 4days) ako ngayon, sabe ng ob ko pwede ako mag normal pero may risk na baka habang naere ako eh bumuka yun hiwa ko. Papapirmahan din ako ng waver. Pero sa laki ng baby ko ngayon cs ang pinili namen ni hubby.. malaki kasi si baby ng 1 week.

VIP Member

sabi nila oo daw cs din ako eh pero may mga nagsasabe din na pwede pq rin naman daw mainormal, siguro kaya nila nasabi na cs ulet dahil nabubuntis agad ng 1 o dalawang taon eh sabi saken ng doctor 1 year qng healing process pag cs at after 3 uears pq bago masundan

Aq 11 years baGo nasundan ung 2nd na anak ko. 23 weeks pregnant aq ngaun. And sabi ng OB q repeat CS parin daw aq... Kahet nag iinsist aq na baka. Pwede naman na aq mag normal.. Iniiwasa. Kc niLa. Ang uterine rupture.qnG san naLang kami mas safe ng baby ko 😊

VIP Member

Hi mommy, sa case ko po both cs kasi isang taon kalahati lang pagitan, mahirap daw po inormal since maliit rin sipit sipitan q kaya q na cs nung una pero sabi naman ni OB pede ka ma normal kapag maganda at mejo matagl timing ng kasunod.

CS ako sa una ko. sabi ng ob ko possible pa naman ako mag normal delivery basta makita nya lang record ko sa ospital kung pano nila tinahi ung unang cs ko. dun makikita daw kung kakayanin mag normal or cs padin.

VIP Member

depende po ata sa inyo at kay baby sis. may kakilala kasi ako cs sya sa first then pangalawa nainormal nya. pero may pinsan din ako cs nung una then cs na din sa sumunod.

Depende po sa inyo mommy, pero hanggang 3 na CS safe naman po. Mahalaga sundin ang recommendation ni dok, kaya mas maganda if mapag-usapan ninyo bago kayo manganak :)

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles