1 Replies

Same case sa LO ko. 3 weeks ago, nilagnat si LO, body temp nya nag 39 di bumababa within 24hrs. And like your LO 1st time niyang lagnatin ng mataas ang body temp, usually oras lang lagnat ni LO at nasa 37 lang. That was Sunday kaya di ko agad napacheck up pero alam ko na nag ngingipin siya. Pinainom ko sya ng Tempra pero di bumababa lagnat niya. Ang gamot talaga ni LO Napran, mas mabilis syang gumaling don. Naubusan kasi ako at mahirap sya hanapin sa drug stores. Monday, pina check-up ko sya, nagoa cbc and urinary test kami kaso si LO di umiihi. Kaya yung cbc na lang pinakita ko kay LO. Oks naman result ng cbc. Nung nacheck na si LO, may tonsilitis, nag ngingipin. Nagtatae din pala sya non. Niresetahan kami ng Cetirizine, Ambroxol pag nagkaubo tas may isa pang gamot e. Bumili na dn ako ng Napran. Nung kinagabihan, sa awa ng Dyos, bumaba lagnat niya at nagtuloy tuloy naman.

I think normal naman yung nararamdaman ni LO. Baka nga pag ngingipin lang yan Momsh. Pangil and mollar din tumutubo nun kay LO, syado din gigil nya sa kamay at toys na hawak niya pati damit nya kinakagat niya 😅 Ngayon meron nanaman tumutubo. Pag nag ngingipin kasi si LO may kasama talagang pagtatae kasi kung anu-ano sinusubo ni LO. Hoping for positive results Momsh! 🙏

Trending na Tanong

Related Articles