Baby Milestone ( SANA MAY SUMAGOT )

Hello mga momsh! Ask ko lang kung kusa lang po ba natututunan ng mga baby ang pag upo, tayo at lakad ? Or kelangan po silang turuan ? Sana may sumagot thank you ! FTM here .. May anxiety po kasi ako about sa milestone eh. Baka po kasi mali pag aalaga ko sa baby ko. #advicepls #FTM #firstbaby baby ko po kasi ayaw ng tummy time umiiyak po sya at bumabalik sa pag tihaya. Hindi po sya natagal binili ko na lahat ng laruan para ganahan syang mag tummy time ayaw pa din sinasabayan ko rin ayaw pa din. Gusto karga, tho kaya nya na ulo nya at leeg nya

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

based from experience, may baby na kusang ginagawa, may baby na need ng tulong or support. sa 1st born ko, nakakadapa na sia at 3months, hindi ko naman na-tummy time. mabilis ang milestones nia gang sa paglakad. sa 2nd born ko, tinulungan ko na. at 5months, tinutulungan ko na siang dumapa, nakasubsob pa. umiiyak din, hindi tumatagal. pero after 10 days, naaangat na nia ulo nia. nagulat kami, mabilis na agad siang gumapang, hindi sia ung nagstart sa mabagal. at 5months, bumili nako ng inflatable seat. pinapaupo namin with support ang likod. eventually, nakakaupo na sia kahit hindi nakasandal. kaya pinaupo na namin sa kama, then nakatungkod ang kamay nia to support ang sarili nia hanggang sa kaya na nia mag-isa. ung sa lakad, pinagamit namin ng walker para mafeel nia ang paglakad. by 9-10months, kusa na siang tumatayo at naglalakad sa gilid-gilid. by 11 months, nakakalakad na sia mag isa, katulad din sa 1st born ko.

Magbasa pa