Small Red Ants
Mga momsh alam ko mejo out of the topic pero tanong ko lang ano po mabisang pamatay/pang-alis ng mga langgam bukod sa baygon spray at chalk. Stress nako sa apartment namin, daming langgam kahit wala namang pagkain na dpat langgamin, isa pa kahit gabi na naglilinis pa din ako (everyday). Mga langgam nasa kisame pa halos buong bahay minsan natutulog kami nalalaglag samin ni Lo. 😔 Para nakong tanga na paranoid baka makagat si baby o pasukan sa tenga 😔 d naman ako pwede araw araw manghunting ng mga langgam dahil after nun balik na naman sila. 😭 #RespectPoSana #TIA
Madame talaga langgam ngayun mommy kase tag ulan na. Kakatakot naman talaga baka sa tenga pa malaglag mahirap. Pwede po kayo magkulambo para kung may malaglag man di agad sa inyo ang bagsak. Kung gagapang man yun iba iba kesa direkta sa katawan nyo diba? Natry nyo na po ba yung sevin powder?? Yun kase ginagamit namen dati. Nilalagyan sya ng tubig tas spray din. Pede din naman yung powder na mismo mas matagal effect pagganun. Maggloves ka lang pagnaglagay ka. Nagtransform na din mga langgam nalipad na din yung iba. Hehe. Pinagdaanan din kase namen kaya relate ako sayo mommy. Sana effective din dyan.
Magbasa pa
Elijah's Mommy❤️