wife material

Mga momsh alam ko may kasalanan din ako bakit madalas kami mag away mag asawa wala naman perfect relationship eh. Pero alam ko din sa sarili ko siguro alam din ni hubby bakit ako ganito. Nakabukod kami dati ok kami masaya meron problema pero naayos din talagang asikasong asikaso ko sila mag ama ko yung tipong kakain at maliligo nalang sila. Pero nagkaproblem po kasi financial kaya dumito muna kami sa parents nya ok nung una but tumagal worst na ayaw na nila ko paglutuin parang inako na nila pag aalaga sa asawa ko. Hindi na ko pinagluluto hindi na ko pinaglilinis ng bahay lahat nawala naging priority nalang anak ko nung una sinabi ko sa sarili ko na baka gusto lang nila ko tulungan but nalaman ko na gusto nila pagmukaing tamad ako walang kwentang asawa. Tumagal ng tumagal napansin ko nag iba narin po ako mas gusto ko nalang sa kwarto may kakain o wala bahala na may kakainin naman anak ko saka hindi naman nila hahayan hindi kumain si hubby Nag away kami ni hubby kasi sabi nya tamad tamad ķo daw buhay prinsesa daw ako. Sabi ko sa kanya kinausap ko sya. Maglilinis ako ng bahay nyo may naririnig akong hindi maganda magluluto ako pintas dito pintas doon wala akong gawin ako parin masama saan ako lulugar dito sa kwarto tahimik pa ko. Gusto na po ulit bumukod kaso hindi pa kaya sabi ko kay hubby kung may mapupuntahan lang ako aalis na kami ng anak ko dito kasi kahit ano ipakita ko sa pamilya mo masama parin ako yung tipong parang nakikipag kumpetensya sila sakin sa pag aalaga sayo tapos pati pag aalaga sa anak ko kinukwestyon ako pa papagalitan ng bunso nyo kapag nadapa anak mo.jusko 12 years old palang kapatid mo kung makapagsalita sakin parang may sampung anak na! Alam ko naman concern sila sa anak mo pero below the belt na ata yung ginagawa nila binabaypass na nila pagiging nanay ko naging yaya na ko ng sarili kong anak!

2 Replies

VIP Member

😔 risk ng nakikisama sa byenan at hipag. Sana makabukod na kayo.

Hay. Sana makabukod na kayo, sis.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles