HALAK/ HIRAP YATA HUMINGA

Hi mga momsh. 6 weeks na po baby ko. May same case po ba dito na feeling nyo nahihirapan huminga si baby? Naririnig ko sa paghinga nya na parang may plema. Ano pong gamot pinainom nyo? Nabibili po ba iyan ng walang reseta or need ko ba talaga ipa pedia si baby? Baka po pwede nalang bumili ako ng gamot para sa halak nya. Nagwoworry na kasi ako kaso wala pa kaming pera pangpacheck up sa pedia. Need help po. First time mom po kasi ako. Salamat po. #ftm #needhelp

10 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sa case ng baby ko mii, ang sabi ng pedia clear yung lungs ni baby, walang phlegm pero may bara ng onti sa lalamunan and nose nya kaya niresetahan sya ng nasal spray (physiomer) tapos sinabihan din ako na kailangan ipa burp talaga si baby every after feed so far ngayon meron pa din si baby na parang halak pero nabawasan na esp nakasuka kasi sya three times at sobrang lapot ng suka nya and dun parang guminhawa na pakiramdam nya.

Magbasa pa
Related Articles