HALAK/ HIRAP YATA HUMINGA
Hi mga momsh. 6 weeks na po baby ko. May same case po ba dito na feeling nyo nahihirapan huminga si baby? Naririnig ko sa paghinga nya na parang may plema. Ano pong gamot pinainom nyo? Nabibili po ba iyan ng walang reseta or need ko ba talaga ipa pedia si baby? Baka po pwede nalang bumili ako ng gamot para sa halak nya. Nagwoworry na kasi ako kaso wala pa kaming pera pangpacheck up sa pedia. Need help po. First time mom po kasi ako. Salamat po. #ftm #needhelp
dinala ko sa pedia si baby dahil sa halak nya tas medyo nagka ubo din sya pero clear yung lungs ni baby so yung ubo don lang galing sa halak nya na naginh sipon narin, niresetahan kami nung drops na pinapatak sa ilong tapos suction, walang antibiotic, sa ngayon medyo lumabot na sipon ni baby at konti nalang yung halak nya ☺ better na madala nyo po sa doctor kasi nung dinala ko sa center ang sabi lang saken normal lang daw yung halak kahit lagi ko napapa burp si baby 🙁
Magbasa paSa case ng baby ko mii, ang sabi ng pedia clear yung lungs ni baby, walang phlegm pero may bara ng onti sa lalamunan and nose nya kaya niresetahan sya ng nasal spray (physiomer) tapos sinabihan din ako na kailangan ipa burp talaga si baby every after feed so far ngayon meron pa din si baby na parang halak pero nabawasan na esp nakasuka kasi sya three times at sobrang lapot ng suka nya and dun parang guminhawa na pakiramdam nya.
Magbasa paSame case sa baby ko parang may halak tsaka ubo tapos minsan hirap huminga. Dinala ko sa pedia tas ayun nga may ubo, dahil daw sa pag lulungad tsaka nabibilaokan. Ipa pedia nyo po habang maaga pa. Binigyan po ng antibiotic tsaka antihistamine and nasal spray yung baby ko
same Po, ganun din SI baby Koh . parang Ang Daming plema, tapos pinapedia ko Sia normal lang daw.. pero Hanggang Ngayon meron pang ubo.. nag herbal herbal lang ako. bukas iinum ako Ng Manzanilla para madede Nia. napupuyat SI baby Ng baradong sipon...
sorry sis pero ainxe 6weeks palang si baby need tlaga macheckup sya. baka merong malapit na health center sainyo? also, wag ka magbibigay/magpapainom ng gamot na walang reseta or hnd nacheckup si baby kasi depende ang dosage sa weight ni baby.
lahak din ba tong sa anak q.,kasi sa ngayon hendi na man cya na hirapan huminga pero my gatas na malagkit lumalabas eh.,yan na man yong problem q kasi hirap cyang eh duwal yon eh.,
3weeks baby ko ngyon my halak sya..n prang barado ilong.. niresetahn sya ng nasal spray at antibiotic.. hoping n gumling na..
ask ko nrin mga mi kht early age 6weeks ba nireresetahan tlga ng antibiotic? safe b un s babies?
pcheck up mo sis. wg self medicate.
Salamat po sa mga reply nyo.