βœ•

2 Replies

VIP Member

Kami ni hubby we're not yet married. LIP ko siya for 7 years, may 2 kids na din kami, and I'm currently pregnant with our 3rd baby. Bago ako magbuntis, madalas din na di ko siya naaasikaso pero aware naman siya kung bakit kasi inuuna ko asikasuhin ung mga bata muna. Pero I always do small things na naa-appreciate niya, night shift din siya sa BPO Company ngayon WFH na siya. I always ask him ano gusto niyang ulam, I prepare his things kapag papasok na siya, kapag sa sobrang pagod nakakalimutan niya ng kumain, ginigising ko talaga siya, lagi ko siyang binibigyan ng tubig kapag galing sa work (un kasi nireremind niya sakin palagi na di ko kinakalimutan πŸ˜…). May bonding padin kami kapag tulog na mga kids or kapag naglalaro sila. Bonding namin before maglaro ng online games sa pc or phone, kaya kapag may time ako, at tulog naman kids, naglalaro kaming dalawa 😁 He never cheated on me sa 7 years namin, kaya kapag buntis ako lalo ngayon, matumal or minsan wala kaming do ni hubby πŸ˜… kasi maselan ako magbuntis, kahit gusto ko, ayaw niya kasi natatakot siya baka mapano ako, dahil sa 2nd kid namin noon, everytime we do it, nahilab tiyan ko kaya ayaw niya na mangyari ulit. I always thanked him kapag siya nagawa ng chores na dapat ako nagawa, kasi bed rest ako palagi pag buntis ako, kaya di ako pwede mapagod ng sobra or even kumilos ng sobrang tagal. Suportado ko siya sa mga gusto niyang gawin or kung may bibilhin naman siya nagtatanong muna siya sakin kung pwede niya bilhin yun. Si hubby kasi introvert, mas gusto niya nasa bahay lang kahit wala pang pandemic. As in work, bahay lang. Kung may tournament sila sa laro ng friends niya, nagpapaalam naman siya sakin in advance. Never talaga siya nagkaroon ng friends na babae πŸ˜… puro lalaki talaga hehe. Niloloko pa nga siya before ng mga kaibigan niya na under ko daw siya kasi kahit anong aya nila kay hubby hindi talaga nasama, lalo pag inuman. Lagi niyang sinasabi, mas gusto ko lang nasa bahay kesa magsayang ng oras at malasing, atleast sa bahay matutulog ako, nagkamuta pa ko πŸ˜… pero aminado naman akong mahigpit din ako minsan sakanya pagdating sa mga aya aya na yan, kasi nung wala pa kaming mga kids, kami lang magkasama talaga palagi, may gala ako with friends, kasama ko siya, may gala siya with friends, kasama niya ko. Kahit anong ganap pa yun lagi niya kong kasama, at lagi ko din siyang kasama. Make time for him momshie, kung may bonding kayo noon nung wala pa kayong anak, baka pwede niyo padin gawin ngayon kapag tulog si bagets. Cook his favorite dish / food. Kahit anong gawin niya na dapat ikaw gagawa, always thanked him para ma feel niyang naa-appreciate mo siya. Lalo kung may bilhin siya for you na di mo alam hehe si hubby kasi hindi mahilig mag regalo sakin πŸ˜… kaya pag nagreregalo siya nagugulat talaga ako, kaya napapayakap ako sakanya with matching tili pa saying thank you ng paulit ulit. Kahit food or material na bagay. Basta small things, it matters to them a lot. May mga lalaki lang na di showy sa emotions like my hubby pero napapangiti ko siya pag inaasar ko ng yiiiiee saya mo ah, lalo pag may binigay naman ako sakanya. Stay strong sainyo ni hubby momshie! Sorry napahaba πŸ˜…πŸ˜

That's great momshie! πŸ’• WFH din si hubby, night shift din siya 11:30pm-8:30am. After shift niya siya na nagpe-prepare ng meals namin ng kids πŸ˜… di kasi siya madali makatulog. Kaya nakakatulog na siya mga hapon na, kasi he make sure na tapos na ung chores na dapat ako gagawa πŸ™ madalas na guguilty ako, pero naintindihan naman niya kasi maselan talaga ako magbuntis, hindi ako pwede mapagod ng sobra. Sa kids palang na everyday routine namin pagod na ko, pero pag kaya ko pa mag singit ng chores, ginagawa ko lalo pag tulog siya. Small talks can mean a lot nadin hehe. Lalo kami lang adults sa bahay, kaya dapat nag uusap din kami kahit minsan, di palaging hawak ang phone. Kaya I let him vent out kapag may problema siya sa work tapos pinag uusapan namin. Simpleng yakap sakanya nakakawala din ng pagod. Pag weekends, masaya na kami ng nakahiga lang sa kwarto, nanunuod ng movies or cartoons kasama ng kids πŸ˜… medyo clingy na seloso kasi ung 2nd kid ko na boy, pag nakita na magkadikit kami minsan na

VIP Member

Don't feel guilty mommy, change routine ka momsh if work si hubby pag gabi. Gusto natin malinis lagi ang bahay so ginagawa ko chores during work hours ng asawa ko para pag uwi nya, may time kami. Okay lang minsan may kalat kasi may bata, di naman maiiwasan yun. Then pag di ko natapos ang gawain, babalikan ko lang.. binabudget ko lang oras kasi may infant din akong clingy :)

yeah. buti nalang kagabi nakapag bond na din kami and usap narin I told him what I feel and ganon din pala nafee feel nya πŸ˜‚but we talked it out and it turns out to be good naman. thanks po momshie sa advice ! :) godbless po and stay safe po to you and your fam :)

Trending na Tanong