Stomachache

Mga momsh, 24 weeks na ako and kahapon ng morning nagstart sumakit tiyan ko. Naalimpungatan kasi ako kahapon ng 5 am then sumasakit sikmura ko (I guess acidic ako , coffee kasi lagi kong iniinom sa umaga minsan twice a day pa). Kaso tinulog ko lang hanggang sa nagising ako ng 6:20 something. Natatae ako pero ayaw naman lumabas. Then nag cr ulit ako at may lumabas na pero yung dumi ko normal lang (matigas) unlike sa mga talagang sumasakit ang tiyan na malambot yung dumi. Hindi ko alam kung sa coffee pa din ba yung dahilan kaya hanggang ngayon masakit pa din tiyan ko. Nag energen naman ako kaninang umaga and nagdumi na din ako kaso matigas pa rin dumi ko. Wala din po akong spotting. Baka may nakaranas na ng ganito sa inyo and may ginawa kayo para matanggal yung sakit.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Milk inumin mo momsh

5y ago

Sige po salamat