Gamit ni baby

Mga momsh 20 weeks and 6 days preggy here bakit ganon po nalaman na namin kung ano gender ni baby sabi bawal pa raw po bumili ng mga gamit para kay baby gusto kona kasi magipon ng gamit para di mabigat sa bulsa kapag malapit na lumabas si baby #advicepls #pregnancy

31 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ako nga mommy hindi ko pa alam gender ni Baby bumili na ako ng mga hamit niya like newborn clothes kulay puti muna and then mga kakailanganin pa na iba like cotton buds,balls and etc. ngayon dadagdagan nalang namin kasi nakapagpa ultrasound na kami at nalaman na gender ni baby. Same tayo ng reason mommy para hindi din mabigat sa bulsa, mas okay na yung may nabili ka kesa sa wala pang emergency lang din kung sakali 😊

Magbasa pa
VIP Member

Nung di pa namin alam gender bumibili na kami paunti unti. Inuna ko mga white barubaruan. 22 weeks nung nalaman namin gender sinunod namin ibang gamit paunti unti lang din. Di kasi kami naniniwala sa ganyang pamahiin. Mas madali kasi mag ipon kesa yung bibili ng isang buhos baka may makalimutan ka pa.

Magbasa pa

Pwedeng pwede na pong mamili ng mga gamit ni baby, pero ung mga damit mas magandang white muna. Since 20 weeks ka palang po. Ung friend ko po 20 weeks nag pautz sabi ng doc. baby girl, so bumili na sila nga mga pang baby girl na damit, gamit then the next utz nila baby boy pala.

VIP Member

not true, sinunod ko yan mga pamahiin nila. pero ang nangyari ako din nahirapan. kasi 7-8 months na ung tyan ko at ready na ako mamili ng gamit pero naabutan ako ng lockdown. ending walang nabiling gamit for my baby kahit online shop wala nagdedelivery nun 🥺

Pamahiin kasi yung kailangan daw 7months bago bumili ng gamit ng baby. Dati sinusunod ko yun. Wala naman mawawala kung susunod diba? Pero dito sa pinagbubuntis ko, inunti unti na namin mga gamit nung nalaman namin gender.

Pamahiin lang po yun, mas maganda nga po yung paunti unti bumili gamit ni baby kasi mahirap na mamili pag malaki na ang tyan.. Atleast pag kabuwanan na po wala na iisipin, maghihintay na lang ng oag labas ni baby!

Bakit daw bawal?? Diba dapat nag start ka na magipon ng gamit ni baby..sabi sakin ng lola ko.. Dapat daw 7mos kumpleto n at prepared na.mga gamit ng baby. Kc may mga nanganganak ng 7mos..

VIP Member

Wag ka po maniwla sa pamahiin.. mas maganda ang nakakapg ready kana dahil sa totoo lng ang mamahal mg essentials ni baby ngaun lalo na pag isang bilihan ka lng..mas mainam na nka2agnipon kana

VIP Member

baru baruan na lang muna bilhin mo mommy. usually white naman un. ako 20 weeks na din, baru baruan at mga hygiene kits na nabili ko like wet wipes, cotton, alcohol, bath soap etc

Mommy ko advice sakin dapat as early as 5mos nagstart na dapat mamili ng gamit. Wala namang bawal sa kung kelan mo gusto mamili ng gamit ng baby.