Lagi akong nag woworry sa kalusugan ni baby Lalo na kapag nakikihalubilo sa ibang tao

Mga moms sobrang nag woworry ako lalo na kapag dinadala namin c baby sa mga byenan ko, paano kasi ung mga bata duon laging may ubo, tapos yung byenan ko ok lang sa knya pahawakan ung kamay at muka ni baby sa mga bata at lapitan sa muka. Nabanggit narin Namin ng Asawa ko na wag hayaan Ang mga bata na ganon pero Wala parin. And nahuli ko din c byenan na nagpapasubo ng car toy ba madumi yung gulong. Napapansin ko rin tuwing hawak nya c baby at pupunasan ko ng kamay dahil nagsusubo ng kamay, nkasimangot sya. Sobrang neurotic ko ba mga moms? Naiistress tlg ako. Naawa naman ako ky baby kpg lagi lang kame sa bahay at walang makitang ibang tao.

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mommy, ganyan din ako dati due to pandemic. ayaw ko ipahawak sa ibang bata (mga laging nasa labas) na humahawak kay baby. ganun din sa mga naglaway kay baby dahil sa 'pwera balis'. after nila hawakan, pinupunasan ko ng wipes. naging protective ako dahil nagpositive ako for covid dati. pero ever since nag lax na, hindi nako nagkaroon ng anxiety. basta proper hygiene po like wash hands si baby using baby soap and water kapag nakahawak ng marumi. we also use tiny buds natural hand sanitizer. may vitamins (vitamin c with zinc) everyday. hinahayaan ko ang LO ko na maglaro sa kaniang pinsan and other kids. share sila ng toys. para may makalaro at same age. natural lang po as a mother to protect our kids.

Magbasa pa
3y ago

ano po name ng vitamins ng baby nyo po?