39 weeks and swab test positive

Hi mga moms, Im on my 39 weeks , no labor pains, no contractions , no mucus plug discharge . Wala din po ako lagnat, ubo at sipon, required lang talaga magpaswab before manganak. Last Sept. 29 followup checkup ko, close cervix pa, mataas pa daw si baby sa tyan ko, kaya ang skit ng pagka IE sa akin, then binigyan ako reseta evening primrose pagkatapos ko daw makuha result ng swab saka instructions at ibang details pampababa. That day pina bps pa ko to check the baby, 8/8 naman po score, everything is ok.Binigyan din ako referral for swab, nagdalwang isip pa ko kung sa ospital ko gagawin kasi 4500 nga , eh may nagsabi sa dun sa isang ospital daw 1600 lng w philhealth kaso marami nagsabi sa mga kakilala namin na bihira ang negative result dun , yung parang may intrigue na pera pera na lang, na false positive lumalabas pero try mo magretake the next day after sa iba negative naman ang result. Kwento lng nman ng ibang kakilala. Dahil tight ang budget mga moms, dun ko na lang pinili magpaswab lakasan na lang ng loob at dasal. Unfortunately positive ang lumabas kakakita ko lng ng result now. Nilalakasan ko lang loob ko at dasal, wala naman ako iba nararamdaman, except natigas tyan ko pag magalaw si baby hindi naman continuous. namamanas din paa ko pag nakatayo ng matagal pero nawawala din pag tinataas ko paa ko. mabigat na din puson ko kasi nga mabigat na sya at EDD ko Oct. 8. Nagmessage na ko sa mga ob kasi sa OPD lng naman ako kung ano dapat gawin kaso wala pa reply. Nag self isolate na ko now, inom ng pinakuluang luya , vitamin c at ibayong dasal. Please pray for Us ni baby 🙏, ika 4 days na namin bukas since naswab hopefully maging ok pa.din ang pakiramdam at kung makapagreswab sana naman negative na. Thanks mga momshies. May God bless Us all.

1 Replies

Hindi po kayo nirefer sa ibang hospital momsh?

Hello momsh, kamusta po? Nakapanganak na po kayo?

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles