Madamdamin

Mga moms. 32 weeks preggy here. Ang sama sama ng loob ko. Gusto ko lang naman, maging sensitive yung asawa ko. Sinabi ng doctor kanina na possibly may amebiasis ako kasi ilang araw na sumasakit tummy ko. Tapos naiinis ako na habang nag sasalita si doc di manlang nakikinig. Di ko ma feel na concerned sya. Ganyan sya kapag okay kaming dalawa. Walang pake. Nagiging sweet lang kapag may kailangan, may ipapabili, may gustong gawin. Btw, ako ang nag wwork para sa family namin. May mga ginagawa syang extra extra, fitness instructor sya, pero hindi ko na sya halos pinapagastos sa mga bagay bagay. Tinatabi ko pera nya para pag may gusto syang enroll-an na classes para ma improve nya skills nya sa pag iinstruct, may pang gastos sya. Hindi ko sya binibigyan ng sakit sa ulo sa gastusin namin dito sa bahay. Lahat ako. Sinusuportahan ko sya sa passion nya. Gusto ko kasi maging masaya sya. In return, sya nag lalaba, nag babantay minsan ng panganay namin, nag luluto ng ulam, pero mommies ang kalat padin ng bahay namin. Hindi ko po sya pinag kukusot, bumili ako ng automatic washing machine, ayaw ko naman sya mapagod. Ineexpect nya na ako ang gumawa nung pag lilinis ng bahay. Remind ko lang po na maselan ako mag buntis. Gusto ko lang naman na sana tsagain nya yung mga gawaing bahay sa ngayun, onting pag intindi lang habang buntis ako. Yung para bang kasing yung pag luto nya ng ulam at pag laba sinusumbat pa saken. Kaunting kilos parang pagod na pagod. Sa bahay lang ako nag wwork mommies, home based, kaya kahit nag wwork ako nag aalaga padin ako ng panganay namin lalo kapag wala sya. Nasasaktan lang ako kasi yun bang iparamdam naman nya saken na nag aalala sya kapag iniinda akong sakit. Kapag may pre-natal check up ako, yung bang hindi ko na sya kailangang pilitin. Kapag sinabi ng doctor na mag pa test ng ganto kasi may masakit saken, sana naman i-encourage nya ako na mag pa test. Madalas kasi pag katapos sa doctor yung mga test hindi na namin pinapagawa, iniisip ko, bakit parang di manlang sya nag aalala saken? Kasi kung ako yun, ako mismo mag pipilit na mag pa test kami para makapante ako na okay lang sya. Mga gamot at vitamins ko, kung hindi ko pa sya uutusang bumili mawawala nalang yung mga reseta hindi manlang ako nabilhan ng gamot. Pero kapag may ipapabili saken, or kapag may request napaka maaalalahanin, di makakalimot sa mag paalala ng mg vitamins ko o kung ano man. Ako naman uto-uto, natutuwa, sinasabi sa sarili ko na, ang bait ng asawa ko. Umiiyak nanaman ako ngayun. Kasi kanina ko pa sya di iniimik sa sama ng loob ko pero dinadaan daanan lang ako. Sinabi palang kanina ng OB ko ma stressed daw ako baka mapaaga daw ako manganak. Pero parang wala syang paki dun. Gusto ko na sya iwan kasi bigat na bigat na ako sa kanya. Sa ibang tao ang bait bait, sobrang maaasahan. Hay. Virtual hugs mommies.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

nakausap mo na ba si hubby about this? mas maganda kung magkausap kayo para alam nya yung mga saloobin mo. have a safe pregnancy and delivery!