BABY BUMP

Mga mommy worry ako. 5 mos na tyan ko pero ang liit liit padin. Patingin nga po ng tyan nyo mammies. 😊☹️☹️

53 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Okay lang yan sis. Ganyan din ako, marami nagsasabi na parang hindi daw ako buntis. Parang busog lang. Pero pagtungtong ko ngayon 7mons ko. Biglang laki na sya. 😊 Wag ka masyadong mag isip, lalaki din yan. Saka kain ka lang palagi ng masusustansyang pagkain para healthy kayo pareho ni baby. 😊

normal lg po yan hehe pareho tayong maliit ang tummy ☺️ wag kapo mag worried hihihi. ako kase kaya maliit tummy KO may iniinom pokong gamot na pag maintain Ng laki ng baby sa tummy ko. nireseta po sakin Ng ob koyon hehe

Normal lang yan Sis lalo na kung petite or hndi ka big boned. Ako nga nung 5 mos, akala lang nila busog lang ako. Ngayong mag 8mos na ako, tsaka na lumaki dahil na din sguro sa dami ng kinakain ko. Hehe

Okey lang po yan ako nga 7months maliit tummy ko pero okey lang subrang likot naman si baby alam mo talaga kahit maliit o malaki basta malikot si baby okey lang yan 😍🥰

Same po.. para d ka na mag alala momy pa check up kapo tapos pa ultrasound pag ok nmn si baby walang dapat ipag alala. Wag niyo po e compare pagbubuntis mo sa iba, magkaiba po talaga

Super Mum

Hi mommy. No need to worry sa size ng tyan iba2 po tlaga size ng baby bump ng mga buntis. As long as normal weight si baby sa ultrasound and you have regular check up, ok lng po yan.

okay lang yan ganyan din sakin nung 5months lumaki lang nung 6months nabasta sa uts niya okay naman nmsiyaless worry ka diyan kasi nakadipende yan sa pangangatawan mo

VIP Member

Meron tlagang buntis na ganun. Ako nga 5mos palang sobrang laki nman hehe. Iba iba ang pag bubuntis. Wag ka masyado mag kumpara. Iba iba ang katawan na meron tyo.

Research lng po kayo at magbasa basa regarding sa pregnancy para matuto po. Tsaka wala po sa laki or liit ng tyan yan. Ang mahalaga po ung nasa loob.

Same! Six months preggy pero nakakapag shorts pa ako sa liit ng tyan ko. Pero hindi ganto nung first baby ko. Iba iba daw talaga per child. ❤️