BABY EATING HABIT
Hi mga Mommy, just wanna share, yung mom ko nagagalit siya kapag nagkakalat si baby kapag kumakain ang gusto niya wag ko daw pagkalatin pag malaki laki na si baby saka ko siya turuan. kesyo nakakahiya daw sa mga nakakakita na ang dungis ni baby tapos dagdag trabaho daw na maglilinis pa ako ng kinalat etc. Ang point ko naman kasi kaya hinahayaan ko kumain si baby mag-isa ay dahil para maexplore niya yung pagkain niya at para matuto siya maging independent at ayaw rin ni baby ng sinusubuan siya. btw turning 1 year na si baby ngayong week. at satingin ko naman normal sa bata ang magkalat dahil nga wala pa silang control. nakakasama lang ng loob na parang ang dating ng sinasabi sakin ng mom ko ay iresponsable o wala akong alam sa pagpapalaki etc. ayoko rin namang malaki na siya saka palang siya matuto kumain mag-isa. pangit naman na dumepende sakin parati ang bata hanggang sa hindi na ako makakilos. magandang bata pa lang tinetrain na saka matututo naman si baby maging malinis #1stimemom #eatingsolids #EatingJourney