Baby's Heartbeat

hi mga mommy sino po same case ko nakaranas ng di ma detect heartbeat ni baby via doppler? at the same time plus size mommy po kasi ako nung 14 weeks po na chineck ni ob yung heartbeat okay naman and normal pero ngayon 20 weeks preggy na po ako ehh chineck sa center di po madetect yung heartbeat ni baby #advicepls #1stimemom #pregnancy #firstbaby #pleasehelp

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello po. Kumusta na mommy, dinig na ba si baby? Ako po bago pako mabuntis, 100 kilos (kilos, as in, hindi pounds) ang timbang ko so talagang mataba na ako. 3rd month check up ko, di mahanap ni Dra. si baby, wala rin marinig na heartbeat so nagpa-request ng pelvic ultrasound. Nahanap naman sa pelvic, nakasiksik daw kasi sa bandang puson, malakas naman heartbeat. Nung latest check up ko (18 or 19 weeks na yata yun), dinig na sa doppler si baby. Sa tingin ko factor nga ang pagiging plus size natin, pero wag muna magpanic. Baka nagtatago lang din si baby. Always best to consult your ob about concerns like these. Stay safe, mommy. 😊

Magbasa pa
4y ago

Thankyou mommy☺

VIP Member

Sa baby ko po. Hirap yong doctor mahanap yong heartbeat. Sobrang tagal bago mahanap. Lalo na nong bago ako manganak. Parang inaalog alog na ng doctor yong tyan ko mahanap lng sya. Ilang nurse na papalit palit sa paghahanap. Pero once mahanap ok naman sya. Ngayon 2yrs old na si baby.. 💖💖

4y ago

okay na po mommy no worries na okay na si baby at nararamdaman ko na sya ngaun 20weeks and 1day di pa man ganun ka strong movement nya atleast di na ko nag aalala siguro yung doppler lang tlga sa health center di maditect un heartbeat nya kasi mataba nga ako 80kl ako e pero sa twing chinecheck ni ob at nung nag pelvic ako to sure normal nman heartbeat ni baby and 1st time i saw my baby naiyak tlga ako kahit sa ultrasound pa lang