11 Replies
Ako mi nung march 9 lang nanganak ako na mataas ang bp 170/90 mostly ang result pero wala akong nararamdaman na anuman sa tinatanong nila like nahihilo , masakit ang ulo , nanlalabo ang paningin wala talaga at mula nung nagbuntis ako nito lang march 9 tumaas ang bp kaya nagulat din ako kasi galing ako sa kanila ng march 5 dahil may contraction na ako @ 2cm 37 weeks exactly pero normal ang bp ko then after 5 days may blood discharge na ako @ 5 cm di ko alam na tumataas na pala bp ko tinurukan lang ako ng gamot bago iadmit imomonitor sa hospital kung walang nararamdamang mga symptoms ng pagtaas ng bp ininduce ako sa loob ng 3 hours lumabas na si baby . tuturukan pa sana ako ng anesthesia sa likod kaso di na umabot kasi bigla ako nag 10 cm di nila namonitor buti nalang isang ire lang lumabas na si baby then nakamonitor ako ng isang buong araw at umubos ng dlawang magnesium ata yun habang nakacatheter din after 3 days nakalabas din kami 130/70 pinakamababa na bp sakin nung palabas na kami . sana bumaba na ang bp mo bago ka manganak mi . goodluck at sana sa hospital ka manganak mas safe . ♥️♥️🙏🙏
Sa 1st tri po tumataas talaga BP lalu na pag stress, ako pinagtaka ko rin yun dahil hindi naman ako HB kahit nung di pa ko buntis. . Nung nasa 1st tri ako, 1st C.U 148/80, 2nd C.U 150/90 mataas pa kesa sa unang C.U nakakabother dahil center palang naman ako nagpapaC.U, sinabi agad sakin pacheck up na rin ako sa hospital para mabantayan BP dahil delikado nga kung patuloy na tataas para macontrol rin. Pero ang ginawa ko nalang muna dahil kapos lagi sa budget, iniiwasan ko nalang na kumain ng karne more on veggies and laging nagtutubig,lagi rin ako nagdadasal na sana mag okay okay na BP ko. few days ago nakapagpacheck up ako center parin 130/90 mataas parin pero atleast bumababa na sya. Pero di parin ako nagpapakampante next C.U sa hospital na tuloy paultrasound. Mas mabuting pacheck up kana sa hospital ganyan na pala kataas BP mo.Mahirap na rin lalu na kung ilang buwan nalang hihintayin mo bago ka manganak,xaka ka palang magpapacheck up sa ospital.
Sis pag ganyan mataas bp dapat may gamot ka pang control ng taas ng bp mo, di rin kasi healthy sa baby mo na mataas ang dugo mo apektado ang baby sa loob pag mataas ang bp, ako kasi tumataas ang bp ko pero pinaka mataas sakin 140/90 minsan lang naman mag ganyan bp ko , naranasan ko lang tumaas ng 170/100 ako nun na stress ako isang beses, kaya di ako umasa sa midwife nag OB tlga ako sa hospital tlga kasi delikado din kasi pag tumataas ang bp ng ganyan pag buntis dapat magkainom ka ng gamot pang control nyan, i advice mag pa check up ka as soon as possible.
Hypertensive ako nung preggy pero hindi pre eclampsia. Hindi porket mataas bp, pre eclampsia na. Hindi nadedetect sa bp lang if pre eclampsia na. May mga blood test po na ginagawa. Pero since mataas nga bp mo and isa sa mga sign ng pre eclampsia yon, it would be best to get yourself checked. Punta ka ob para marequestan ka ng lab test.
Ako sis nun buntis ako mataas din bp ko. pinag methyldopa ako ng OB ko. Tapos nun naadmit na ako, mataas pa rin. Pero noong malapit ng kumabas si baby, bumababa na yun bp. Ngayon nanganak na ako 110/70 nalang. Noong buntis ako eh 140/90 hanggang 140/100 ang pinakamataas. Pero God is so good kasi nainormal ko.
High blood din po ako even before magbuntis, nung napreggy po ako pinatigil na ni OB maintenance ko pinalitan nya ng Aspirin once a day, and monitored bp ko, considered High risk na din po.
pag may naramdaman ka nang mali, malala na yun, kaya ka pinapunta sa hospital para maagapan pa. maraming masamang mangyayari pag nagtuloy tuloy ang pagtaas ng bp mo habang buntis ka.
Sa Pre-eclampsia sis, isa din kase yan sa sign yung mataas na BP. kaya tuloy tuloy lang monitor.. Delikado kase yan pag nanganak na, kaya iwas iwas sa pagkaing nakak high blood
Saken mi may maintanance nako for HB na preggy. BP ko before 130/90 tapos ngaun nagtetake nako gamot umok na sya 120/70 ganun. Try to consult your OB ulit
Much as better nga po pa-check up po kayo sa ospital para mamonitor kayo ng maayos.
Ki Kay