Nag spotting ako skl
Mga mommy share ko lang yung karanasan ko. Nag spotting ako days ago buti nalang at hindi preterm labor, kundi dahil sa UTI at medyo stress ako. kaya medyo masakit ang lower back ko at puson ko. Nagpa check up ako agad sa OB ko at nag suggest ako na hindi na muna ako pa pasok sa work hanggang sa maka panganak ako, bed rest na muna para sa safety namin ni baby, may ni receta din siya sakin na gamot para maiwasan ang maagang panganganak. Sa ngayon masakit nalang yung lower back ko pero normal lang naman kasi buntis ako. At saka medyo nabibigatan na ako kay baby kaya gumagamit nadin ako ng supporter. Pero kapag tumatayo ako feeling ko nasa baba na si baby dahil mabigat, kaya gusto ko naka higa lang ako lagi. Mas maigi talaga bed rest wag muna galaw ng galaw. #pregnancy #firstbaby #1stimemom
I can do all things through Christ who strengthens me. Phil 4:13