Preggy again.
Hello mga mommy. Share ko lang tong nararamdaman ko. I just gave birth to my lo last august. Once lang ulit ako niregla. And recently i found out preggy ako ulit. 35 days na po akong delayed.😞 Nag.iisip ako now if itutuloy ko pa po ba ito, or ano na. Si hubby lang nagwowork as of now. Nagrerent kami ng bahay dahil nahihirapan na kami makisama gawa ng may dalawa na kaming anak. Si hubby medjo hesitant na sa dinadala ko now. Kesho baka di nadaw namin kayanin, naiintindihan ko yung pinopoint nya. Pero ako hindi ko talaga kaya ilet go. Pero nagdadalawang-isip na ko now. Help me decide mommies, i hope wag nyo ko ijudge. Sobrang need ko po ng pag.unawa & advice in this times. Thank youuuu.#pregnancy

Hi, nagegets ko bakit pumasok sa isip mo yung idea na yan. So, here's my take lang sa sitwasyon mo. 1. Pag ba itinuloy mo talagang hindi kakayanin financially?? Wala talaga iba susuporta sainyo? How about magpatulong sa inlaws nyo both sides (if in good terms) yung magpaalaga sa kanila ng apo nila from time to time. 2. Syempre dapat consider mo rin needs ng mga anak mo ngayon. Pag ba tinuloy nyo yang pregnancy mo may chances ba na madedeprive sa ibang bagay ang mga bata? Like yung ibang needs nila. 3. Your capacity na mag alaga. Kaya mo pa ba mag alaga pa uli ng another baby. I don't mean to sound na para bang burden ang mga anak natin. But come on, let's be honest nakaka drain minsan. 4. Education. Need I say more? Pagdating ba ng panahon kaya nyo suportahan Kung kaya pa rin naman. Kung ready kayo magsakripisyo ng bongga (magtipid sa mga bagay gaya ng needs and wants) then why not give it a chance. Pero yung sa tingin nyo naman na talagang gagapang kayo, at talagang kakapusin na. Bakit nyo isusugal yung baby na nasa tyan mo pa lang. Mas mahirap naman ata na makita na hindi mo ma-provide mga needs ng anak mo dahil sa sobrang kakulangan na, Diba? As a parent mahirap yun. Wala kang magawa. But at the end of the day desisyon nyo pa rin mag asawa yan. Madaming bagay na dapat i-consider so I suggest pag isipan at pag usapan nyo ng mabuti.
Magbasa pakasalanan po sa Diyos yan mommy kung ilelet go nyo po si baby. kawawa naman po sya... tama po yung isang nag comment dito na marami pong mga mag asawa ang naghihintay ng anak. umaabot pa ng taon pero di sila nabibiyayaan... basta po malaking kasalanan po mommy kung at this stage eh kuhanan nyo siya ng buhay. kung sakali naman po na nag give birth na po kayo, at talagang hikahos at di matustusan si baby... kung open lang po kayo, ipaadopt si baby. syempre masakit sa kalooban din po yan. ang best way po talaga ay baka makaisip or makahanap po kayo ng diskarte para sama sama pa rin kayong pamilya. pwede nyo rin po suportahan si hubby kahit pa raket raket or online business para nasa bahay pa rin po kayo at naaalagaan yung mga anak nyo
Magbasa paKeep the baby, binigay yan sainyo ni God kase para sainyo talaga yan. Wag nyo po isipin na hindi nyo kakayanin, both you & your husband will always find a way para makayanan nyo buhayin ang mga anak nyo. And this should be a lesson for both of you, if hindi na kakayanin, sana before kayo nagdecide mag-do, nagawan nyo ng paraan pra hindi na makabuo. I mean you can use contraceptives or if hindi keri, extra ingat na lang. Matakot ka sa karma momsh, inosente ang baby mo & in the first place, kayo ng hubby mo ang gumawa sa kanya. Nkkadisappoint lang kc mkbasa ng ganito lalo na s mga tulad ko n ilang taon ang hinintay bago ngkaanak.. Hays..
Magbasa pahi mommy same situation dec 2019 first baby ko and after 4 months may nabuo na first hesitate din ako sabi ko masyado pa maaga pero naisip ko kqhit dugo pq lqng to or what baby ko nq ito and nailabas ko sya this jan 2021. same, nagrerent lang din kami 7k a month, nakabukod sa parents and nagagatas pa din si first baby 1yr and 1 month pa lang sya, enfagrow pa ang ginagatas niya at dun sya hiyang. sa ngayon si second baby para makatipid ebf sya sa akin dahil di na namin kakayanin if formula sya. si husband na lang din ang nagwowork sa amin pero nakakaraos din naman. kakayanin niyo yan mommy and another blessing sa inyo iyan.
Magbasa paPrankahan usapan, no offense meant lang po mommy. Wag niyo naman po damayin yung buhay ng innocenteng bata dahil hindi kayo nag ingat at nag family planning. Keep the baby thats a gift from god. Hindi naman siguro tayo bibigyan ng pag subok ni god if di natin kaya. If na hihirapan kayo then ask help from god. I have been there and its proven and tested. Diba nga may sayings na TAO KUMILOS KA AT TUTULUNGAN KITA. Maraming couples ang gustong magka anak pero hindi na bigyan ng chance if di niyo talaga kaya ipa ampon niyo nalang.
Magbasa pamay kilala po ako gnyan din ung naiisip nka gwin pero itinuloy nia pdin Ang pag bbuntis mas marami at gumanda po ang bigay nla Kasi ung baby is blessing, ako nga po tatlo ndn anak ko, walang trabaho asawa ko , ako lng nag ttrabaho samin dlawa Ang kaibahan lng po may 5yrs gap at 3yrs gal Naman ung mga anak ko back sundan ng pangatlo 😊 at Wala ako pinag sisihan sa pangatlo ko po Kasi baby girl na sya 😊❤️ tuloy mo lng yang pag bubuntis mo mommy tapos after nian Family planning n kayo 😊😊
Magbasa pamomsh si baby nio po ba is 6 months plng now?honestly ako din po now nagkakaprob kc dq alam if preggy din nb aq may baby is 10 months nextweek.ngwdrawal and condom kmi kso huli na.indi nmn msma masundan si baby kaso ang prinoprobq lang is ung expenses lalo nat wla kming both work ng asawaq..ng oonline seller aq pra sa needs ni baby..awa ng dios kht papanu nattugunanq nmn un and si baby nakikisma din matipd kmi..pero ng wewait paq after ths week mgppt uli aq for sure if prggy ba..
Magbasa paI would say you have to keep the baby.. binigay yan ni God kaya dapat lng po na i.accept nyo ang blessing na yan. Magtulungan lng po kayong mag.asawa at mairaraos nyo fin po yan. Kami din po struggling din kami financially pero we're still optimistic na makakaya namin to. Ako nga po may sakit sa puso at hypertension kaya ang hirap po talaga pero kakayanin po kasi hindi po tayo pababayaan ni God. Pray for God's guidance para po ma enlighten ang isip nyo mag-asawa.
Magbasa paedi sana po bago kayo umindayog ng husband mo naisip niyo mag family planning.. Libre lang naman ata yun sa health center. Ngayon ganyan naiisip niyo? Nasa isip niyo pa lang pero sobra na kasalanan niyo sa bata. Napakairesponsable niyo mag asawa kasi yan nasa isip niyo. Sorry pero hindi ako magsasabi ng magandang salita to enlighten you sa pagbubuntis mo. Nababadtrip ako sa pagiisip niyo.
Magbasa paEdi mabadtrip ka girl. I don't need your criticisms. Bye
Every baby is a blessing momshie.. wag mo po i let go yan dahil malaking kasalanan sa Diyos yan.. Walang kasalanan ang bata kung nabuo man sya and dpat po kung di pa kayo ready dpat nag take kayo ng mga contraceptives.. or kung willing po kayo ipaampon nyo nlng po yung bata kesa mag desisyon ng di maganda katulad ng naiisip nyong mag asawa.. Pray lang sis kapit lng po kay God..
Magbasa pa