Baby acne/ Rashes/ Atopic-prone skin

Hi mga mommy, share ko lang naexperience ko sa face ng lo ko. Nagstart nagkaroon ng little bumps sa face or baby acne nung 2 weeks old. Nung pinacheckup ko sa pedia niresetahan xa ng cream (Bactreat-B and Foskina). Mabilis nman xang matuyo kaso ilang araw lang babalik din agad. Tapos nung totally tinigil namin yung cream dumami ng ganyang katulad ng nasa pic..tas nung nakita ng pinsan ng asawa ko, nirecommend nya sakin na gamitan ko nh mustela. Sa awa ng Diyos naging okay na..eto bumabalik na ulit yung kinis ng face ni baby.. Ang skincare routine nya, everyday bath using Mustela stelatopia cleansing gel, then after bath lalagyan ko xa ng Mustela no rinse cleansing water sa face then iaapply ko ang Mustela Emollient cream. Bale after bath ko ginagawa yang routine na yan at pati sa night before xa magsleep. Yung no rinse cleansing milk sa gabi ko nman ginagamit pero sa body nya lang. Tapos ung Oil sa scalp nya kasi may konting cradle cap pa xa..Inaapply ko mga 5mins before xa magbath. Anyway baka sahihin nio bat di ko sinunod ang pedia 😅. Sinunod ko nman kaso tlaga di gumagaling ng tuluyan ung face nya, tsaka natakot din ako kasi may steriods un. At xempre hiyangan lang din tlga..Kasi natry ko ibang products, dito lang talaga nahiyang si lo 😊 #Mustelauser #MustelaBaby

Baby acne/ Rashes/ Atopic-prone skin
undefined profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply