Alam mo momsh sa totoo lang, tanggalin mo yung mind set na pag MATABA ay healthy. Observe mo yung anak mo, kung di siya katabaan pero active, di sakitin at kumakain naman then any vitamins will do as supplement dahil kumakain na siya. Wag mo iasa sa vitamins ang anak mo, 10 months na pala siya at sabi mo kapos kayo sa budget. Bakit di mo na lang siya ifeed ng mas healthy na food especially gulay, mura na masustansya pa.