prayer for my baby.
mga mommy pampalakas naman po ng loob.. pra samin ng asawa ko lalo na po sa baby namin nanganak po ako April 21 2020 via cs... yung baby ko po kase nasa icu sya until now simula po nung ilabas sya sakin 33 weeks and 6days po. napaaga ng paglabas nya nung i ie po ako ng dr. 1 cm na po sya kaya po schedule po agad ako nung time na nagpacheck up lang po sana ako. then nalaman po ng pdea nya na may pneumonia sya based po sa x-ray nya mga tapos ngayon po ipinatawag asawa ko sa icu then nag chat sakin asawa ko na need daw po lagyan ng tubo ang baby ko kase hirap sya huminga mga mommy diba po gagaling naman baby namin alam po namin may awa ang diyos at lumaban naman baby namin...please po kahit pray lang po mga ka mommy.. diba po gagaling sya..
Mommy, ako po nanganak ng 32 weeks. 1.6kg lang si baby nung lumabas. Sobrang liit niya, maluwag sa kanya yung newborn diaper. Yung head niya kasing laki lang ng kamao ko. I felt sobrang helpless kasi ang daming nakakabit sa kaniyang tubo. Ni hindi ko siya nahawakan agad kasi para siyang xmas tree, ang daming nakasabit sa kanya. Nabasa ko ba ang pinakamabilis na makapagpalakas sa mga premature baby is breastfeeding talaga. Kaya kakapanganak ko pa lang, pump na ako kaagad. Pinagtyagaan ko na every 2-3 hours para dumami ang milk. Kahit hindi kami magkasama ni baby, pump pa din ako. Every day dinadala ko yun sa NICU. Hanggang sa nag donate na ako sa mga kasama ng baby ko ng milk. Yun lang kasi feeling ko na paraan para matulungan ko siya. Awa ng Diyos after sangkatutak na ginawa sa kanya, nakalabas din siya after more than a month. Ngayon 3 years old na siya. Hindi mo makitaan ng pagka-preemie niya dahil sa sobrang likot at daldal. Medyo clingy nga lang kasi ugali daw ng mga preemie yun. Hehe Anyway, i hope mommy my story makes you feel somewhat better. Alam ko mahirap pero hanga ako sa preemie babies, fighter yang mga yan! ❤️💙
Magbasa paSame situation sis! Nnganak ako last march17 ecs @33weeks.. 2weeks na incubate si baby kasi minonitor cya.. Normal sa premature ung mhina ang lungs.. In xray dn baby ko that time, alam k parang nagkatrace dn si baby k high risk pneumonia p nga nkalagay s data nya, pro eto thru prayers and maniwala ka lang sa baby mu na kakayanin nya, walang imposible.. Eto 1month n mahigit baby omkoh and very active cya ngaun.. Lageh ka lang din mag pray kay papa God, nirready nya lng dn si baby para maayus n cya pagkasama n nya kau.. Godbless sis! 😊🙏😊
Magbasa paGanyan po mangyari sa 2nd baby ko halos 34 weeks ko din sya pinanganak via CS, 21 days sya sa nicu ung right lungs nya di masyado develop tpos mababa oxygen level ng dugo nya sinalinan sya ng dugo (5red at 2 plasma) tapos na tubo sya ng 8 days. Thankful ako ky God kc pinagaling nya c baby ngaun 6yrs old na sya. Pray lang po mommy. Magtiwala po tyo kaya God. Gagaling po si baby 😊
Magbasa paStay strong momsh. Lumalaban c baby kaya laban lang prayer will do momsh. lakasan mo loob mo para kay baby. Magiging okey din ang lahat momsh pakatatag kayo ni hubby. God is our healer momsh. Pagagalingin siya in Jesus Name. Gagaling na c baby
Wag ka po mawalan ng pag asa mommy kc lumalaban c baby para sa inyo so dpat lakasan nyo loob nyo po at magpalakas kna pra mpuntahan mo baby mo.... O lord god pls help nyo po c baby nila 🙏🙏🙏🙏.
Yes po mommy, claim it na gagaling sya. Champion Ang baby nyo simula pa Lang Nung sya Ang nabuo out of millions of sperm Kaya kakayanin nya Yan. Pray Lang po Ng pray Kay Lord.
Think positive lang mommy. God is Good! Nothing is impossible with Him. Fight fight fight baby! Your mom and dad are waiting for you. 🥰🥰😘
In the Name of Our Almighty GOD and his begotten SON Lord Jesus Christ, i pray for your babys fast healing and recovery. In Jesus name. AMEN. 🙏
Prayers for your baby🙏🙏🙏. Pakatatag ka mommy,gagaling din si baby at magiging maayos ang lahat, In our Jesus name, AMEN.🙏🙏🙏
Yes, pray lang po and have faith in God. Ang baby ko gnyan din noon 2011 matagal din sia naiwan sa nICU ngayon 9yrs old na siya. 🙏