heartbreak

hi mga mommy, pag di ba kayang tanggapin ang nakaraan mo? it means di ka talaga totally mahal? grabe na talaga mga natatanggap n foul words sa tatay ng magiging anak ko ngayon, stressn ko kagabi sa kakaiyak. wala siyang tiwala at kahit kealn di siya magtitiwala sakin. pero siya nagawa niya akong lokohin ng kami pa, buntis ako pero may binuntis siyang iba, ngayom 7mos. preggy ako, kagabi ako halos di makahinga sa kakaiyak dahil lang sa mga chat niya, pero okay lang sa kanya ang ganun. sana kung ayaw niya na lumayo na lang siya wag yung ang dami pa niyang salita sakin nang kung anu anong masasakit. tama bang pag mumurahin, tatawagin kang basura at di daw ako MALINIS nung makuha niya. ?

52 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kung ganyan talaga mababasa ko isesend ko screenshot nyan sa Mama or Magulang nya. Nakakapang gigil. Nagdaan din ako sa ganyan na pagbuhatan pa ko ng kamay madaming beses sa 6years kong karelasyon buti di ako nabuntis, nambababae pa, paulit ulit ko pinatawad tinatakot pa ko papatayin ako at pamilya ko, hanggang sa isang araw napuno na ko ayoko na pala pinakita ko sa kanya wala na talaga ko gana 2 years nya ko hinabol nagpakabait sya, hanggang sa nabuntis na ko ng LIP ko ngayon saka lang sya sumuko at tinanggap na nagkamali sya, yung gf nya may anak na at mas matanda sa kanya kaya magtitino na yon. Lagi ko sinasabi di baleng ibang tao na maistress sa kanya kesa ako. Mga walang kwentang lalaki hindi para satin. We deserve better. And best. Stay strong lang Sis, di ka panget tandaan mo may magmamahal pa sayo ng tunay na deserve mong pagmamahal at deserve mong happiness sa buhay na to :)

Magbasa pa
6y ago

Laban lang Mommy! God bless! Sasama kita sa prayers ko 😊