Thyroid problem

Mga mommy natatakot po ako sa pag labas ni baby kase may sakit ako na hyper thyroid dahil sa kakulangan sa pera di na ko nakakapag patingin sa endo.. nung first tri. Ko sa ob ako nag babatingin pero dahil kapos sa center na lang ng brgy namen patigil tigil din ako sa pag inum ng vitamins wala akong naiinom na gamot para s thyroid ko. Sana maging okay lang ang baby ko 6 months preggy na po ako.#1stimemom #advicepls #pregnancy #firstbaby

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Nag Hyperthyroidism din ako nung nagbubuntis ako high risk ika nga. Hindi ako tinanggap sa lying in kasi kulang sa gamit sa hospital ako nanganak at normal. need po nila ng record dun mashie lalo't na may complications po kayo. Kelangan po matignan kayo ng IM at Endocrinologist po at regular check up po. Pinag CAS din ako nun to see kung okay si baby at development nya at Thanks God normal naman sya. The best weapon po ang prayer. Mag pray po kayo para mabawasan po ang pag aalala. 🙏

Magbasa pa

momsh may hyperthyroidism dn po ako...pero regular check up ko with my endo and OB. need nyo po magvisit sa endo pra mamonitor ang ft4 and tsh at pra makainom ng gamot. mahirap kc sa sakit ntin prone tau sa thyroid storm pag di nacontrol which could be fatal.

VIP Member

Iwasan mo pong mastress mommy mas nakakasama yun kay baby. Tiis ka nalang po muna sa center at mag request ng gamot para jan. Hope all is well po.

nag pa ultra sound po ako okay nama po sya normal lahat kaso Suhi sya nakatayo iikot pa naman po sya sabe 28 week pregnant na po ako

Hi mii,musta po baby nyo?