Pamahiin/Myths
Hello mga mommy! Meron po ba dito na mga hindi nasunod sa mga pamahiin? And ano naman po mga nangyayari if hindi sumunod sa pamahiin?
ako po never ako naniwala ng walang scientific explanation. Umiinom ako ng malamig na tubig kasi ang buntis ay normal na banasin ang pakiramdam. Di naman nakakalaki ng baby ang malamig na tubig, wag lang malamig na juice or softdrinks yun talagang lalaki ang baby kasi may sugar content. di din ako nagpapandong sa hapon sinasbi nila "masareno" na baka mahirapan daw ako manganak blah blah, ayon saglit lanh ang labor ko saglit ko lang din nailabas si baby NSD pa wala pang 15 mins baby out na. tamang walking at exercise lang talaga.
Magbasa paako mii nung preggy pa may mga sinunod ako at hindi. sinunod ko yung bawal magsuot ng kwintas maski magpatong ng damit sa balikat pati mister ko sinunod yun. pero ang hindi ko sinunod ay yung pag inum ng malamig, di ko kasi mapigilan at mainit lagi pakiramdam ko. π wala naman nangyari nung may di ako sinunod.
Magbasa payung pamahiin na wag mag susuot ng kwintas relo or bracelet yung friend ko hindi sinunod suot nya lahat pati sing sing ayun cord coil baby nya tapos ako namam sinunod ko hindi cord coil si baby ko Hahahaha Ewan kung accurate ba yang mga pamahiin na yan pero wala naman mawawala kung susundin din naten
Magbasa paako po nagsusuot ng kwintas, singsing at bracelet di naman cord coil si baby. nangyayari lang naman po ang cord coil pag sobrang magalaw si baby lalo na kung malawak yung space pa nya sa loob. baby ko hindi cord coil naka cephalic na sya nung mga around 4-5 months na sya hanggang sa nanganak ako same position kaya NSD ako. kahit malikot si baby, maliit lanh space na nagagalawan nya kaya imbis na magpaikot ikot sya eh pasipa sipa lang di sya nagbago ng pwesto. depende po yan sa space sa loob at sa galaw ni baby
kung paniniwalan niyo po magkakatotoo pero kung hindi kayo naniniwala hindi po. Kaya hindi po ako naniniwala sa mga pamahiin eh. Kung ano kasi nakatatak sa isipan natin parang yun yung lumalabas sa kilos natin. So stay positive lang po and dasal lang kay God.
di totoo yon ako nung buntis palaging may kwintas hanggang 8months ako tumigil sa work. tapos yung sabi sabi pa na wag daw mag lalagay bimpo asawa ko sa leeg. eh lagi naman syang may ganon. pamahiin lang yon wag mo isipin. baka kakaisip mo mangyare ganon.
Naka 3 na akong anak wala naman nangyari sa hindi ko sinunod na pamahiin. Saka ayoko na din maniwala sa ganyan kasi the more na maniwala ka mas nangyayari pa ung hindi mo gusto mangyari.
mas maniwala po kayo sa ob ninyo di po totoo yung kwentas etc na yan yung cord coil po nangyayare pag masyadong magalaw si bby sa loob
Hindi din ako palasunod sa mga kasabihan, wala naman nangyari π