Hi mga mommy masama ba kung sanayin ko si baby na matulog sa crib paggabi gusto ko lang kasi syang masanay na matulog kahit di ako katabi kasi napapansin ko na pagkatabi ko si baby pagtulog mas mabilis syang nagigising or pag aalis ako nagigising agad sya di tulad pag nakatulog sya sa crib mas mahimbing tulog nya and as the same time safe pa si baby kasi sobrang likot na nya (four months na nga pala si baby and nagapang na sya). But the catch is kahit di naman direct sabihin ng mama ng partner ko parang iba lang dating sakin feeling yata nya pinapabayaan ko baby ko. Lagi ko nalang naririnig or nababasa sa chat “wawa naman apo ko mag isa lang natutulog” or “tabihan mo daddy” ang sama lang ng dating sakin feeling ko pinapabayaan ko anak ko sa tingin nya. E sa totoo lang katabi ko rin naman sa kama yung crib ng baby ko ni hindi ko nga kelangan humakbang para makapunta sa crib ni baby kasi as in katabi ko lang. hays sorry paranoid lang ba ako. Kasi ever since na nanganak ako solo ko ng inaalagan baby ko if gusto lang nilang pumunta or makita si baby saka lang sila pupunta e mas madalas pa ngang kausap ni baby si mama ko na nasa ibang bansa (as in everyday di kasi makauwi si mama dahil sa pandemic) just saying. Minsan kasi naooffend na ko sa mga sinasabi ng mother ng partner ko. And feeling ko hindi maganda yung mga ginagawa ko para kay baby. Sa tingin nyo po kaya okay lang ba na sanayin ko si baby matulog mag isa or hindi talaga sya okay?? 😓😓😓#1stimemom #advicepls