13 Weeks si Baby

Hello mga mommy! Kanina nagpa ultra sound ako and syempre dahil first time mom nga ako. Sobrang giliw na giliw ako noong una kong makita ang first movement ni baby sa ultrasound. Nakakatuwa na ginising pa talaga ni Doc si baby para makita ko at hindi nga ako nagkamali, talagang napaka energetic ng baby ko kanina. Kaka 13 weeks pa lang nya ngayong Friday, pero napaka likot nya na sa tummy ko habang pinapanood ko siya sa ultra sound. Nakakatuwa pala talaga ang mga ganito kahit na maliit na bagay lang ay talagang hindi mo maipaliwanag ang saya na mararamdaman mo basta tungkol sa anak mo. 🥺 #bantusharing

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Kumakaway pa ang dalawang kamay nya kanina noong ginising siya ni doc at nagulat kami pareho ni Doc kasi talagang humarap pa siya para lalo namin siya g makita sa ultra sound ni Daddy niya. Napaka saya ng puso ko 🥺

2y ago

madami pa next time na ultrasound mommy.. pwede po yan videohan 🥰 syempre sasabihin mo din kay OB na videohan mo para may remembrance ka nasa tummy mo si baby😍

VIP Member

Wala akong mapagsabihan bukod sa aking boyfriend dahil balak ko ipaalam sa malalapit na kaibigan at pamilya ko kapag 6 months na si baby para rin tahimik at stress free ang pregnancy journey ko.

2y ago

Magulat na lang sila biglang may pic na ako ng baby ko 😂

Sami mii,parang ang hirap paniwalaan na may baby sa loob ng tiyan natin. Lalo na yung time na narinig ko heartbeat niya,ay nakuuu nawala lahat ng sakit ko sa katawan. Parang nabuhayan ako.

2y ago

True mommy! Nakakaiyak sa tuwa talaga. Hanggang ngayon iniisip-isip ko pa rin yung precious moments ko kahapon. Sobrang naeexcite na ako agad mag next month para makita ulit siya. 🥰

Same mi. Pinakamasayang araw yung check up kasi kasama ultrasound kahit magkasama lang kami pero yun yung day na inaabangan ko lagi kasi magkikita na naman kami ng anak ko.

2y ago

Oo mi kahit nga yung weeksary di ko naaappreciate noon. Ngayon sabado ang pinakamasayang araw sa isang linggo na inaabangan ko. Kada dagdag ng wks ni baby grabe ang saya ko.

mamshie..ano ginawa sau na ultrasound? tvs ba o pelvic?

2y ago

ah owkie po..13 weeks na din po kasi ako ☺️ pero sa June 3 pa po ang sched ko ng ultrasound☺️di pa din po halos kita ang baby bump ko..hehe