Share lang ako ng feelings, mga mommies.

Hi mga mommy. I’m currently pregnant, almost 12 weeks. (2nd pregnancy). Super sensitive kong tao, iyakin and madaling sumama loob. Ngayong buntis ako, mas nadoble. First baby ko, 2 years and 9 months na ngayon. Ever since, ako na talaga tutok sa pag aalaga niya kumpara sa papa niya. Pati stress ko doble + pagiging mainitin ang ulo lalo na’t ang kulit talaga. Ngayong matutulog kami, nag a-Iloveyou ako sa kanya. Kaso sumagot siya ng paulit ulit ng “I don’t love Mom”. “I don’t like Mom”. I don’t know mga mommy, pero pinatalikod ko siya at tumalikod din ako, sabay iyak. Nahurt ako. I know di ko dapat damdamin kasi baka hindi naman niya mini-mean yun kasi syempre, toddlers, but sobrang nahuhurt lang me. Ito iyak ako ng iyak, luha nonstop huhu. 🥺☹️ Iniisip, am I not that great of a mom? Hays grabe kaemotero basta buntis haha. Sorry, dito ko nilabas mga mommy. Kahit asawa ko kasi, di ako iniintindi, nao-OA-han na rin sa akin.

3 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hugs sayo mommy... almost pareho tayo ng age ng 1st born and current pregnancy. Anyways, sa akin, nung nalaman kong buntis ako ay sinabihan ko agad si hubby ko na kailangan ko tulong nya, lalo na sa 1st born namin. Kailangan ko na mas magbonding at maging close sila dahil hindi ko kakayaning ako lahat pag labas ni baby at even now na buntis ako ay mas madali akong mapagod at mawalan ng pasensya. Thankfully ay nage-effort rin naman si hubby sa request ko. Hugs to you, mommy. Please know that you're not a bad mom, and sana you also get the support you need at maintindihan ka rin ni hubby sa pagiging extra sensitive natin during this time 🤗

Magbasa pa

virtual hugs momma, wala pa kong toddler, my son is still infant pa, pero ramdam ko ung feelings mo, its okay momma na umiyak, minsan talaga kelangan natin ilabas yung emotions natin, buntis man tayo o hindi, hindi ka OA, valid yang feelings mo. baka lang siguro namimisinterpret ni toddler mo yung way ng pagaalaga mo sknya kaya nya nasasabi yun, pero try not to feel bad, ipakita mo lang kay toddler mo everyday na love mo sya, more affection and attention and quality time. Hindi ka OA momma and you are doing a great job as a mom

Magbasa pa

Hindi ka OA. Kahit hindi siguro ako pregnant, if my child tells me "I don't like mom" or "I don't love mom" eh mahuhurt ako. Your feelings are valid. Don't think that you're not a good mother or that you're not doing enough. Basta alam mo sa sarili mo na napapakita mo ung love and affection sa kanya and nabibigyan mo siya ng time, then no need to worry. Just continue doing what you're doing. If mainit ulo or hindi maiwasang magalit sa kakulitan ni toddler, explain mo lang mabuti bakit and apologize if needed. Hugs 🤗

Magbasa pa