2nd Baby Gender??
Hi mga mommy I'm 17weeks and 4days na wala naman nag bago sa itsura ko sabi nila kaya baka daw babae , mahilig din ako sa mga maaalat at matatamis tsk sa mga prutas bali sa palabok ko siya pinag lihi 😊 malakas ako mag kanin dati pero ngayon hind na halos hind na ako nakakakain ng kanin kasi nasusuka ako. may 1st baby is baby boy. Tingin ninyo ano gender ni Baby hindi pa kasi ako pwedeng mag pagender kaya gusto ko na mag karoon ng idea kung ano gender ng baby ko? Baby BOY or Baby GIRL ?? #gender #Gender17weeks #mommy #mommy_happy #April #babyboy_or_babygirl


wag kang maniwala sa sabi sabi mhie HAHAHAHA hindi pare pareho ang pag lilihi kaya ultrasound nalang talaga ang makakapag patunay ng gender ni baby wala sa mga signs kasi ako sabi nila pag sa left/right side sumipa si baby lalake o baba e daw HAHAHAHA pag mahilig daw sa matamis, maasim, maalat lalake daw pag palaayos daw yung ina lalake daw pag galit na galit daw sa asawa lalake daw HAHAHAHAH halos lahat ng sign na sinasabi nila sakin sign daw na lalake baby ko gaya ng di pantay na tiyan, dipantay na guhit sa tiyan etc.. pero nung nag pa ultrasound ako babae siya mhie HAHAHAHAHAHAH nagulat dilang lahat sa gender reveal
Magbasa pahindi makikita sa appearance kung ano ang gender ni baby. magkaiba ang appearance ko in my 2 pregnancies pero both ay girls. hindi rin ako naglihi in my 2 pregnancies. i checked my calendar or fertile window for my baby's expected gender. if contact with partner was done several days before or during ovulation day.
Magbasa pahi mi ako magkaiba ang paglihi ko sa dalawa kong anak.. sa una gusto ko maaalat.. eto sa bunso cravings ko matatamis.. pero alam mo. pareho sila baby boys😆 kaya di talaga siya makikita sa lihi / sa shape ng tummy.. sa Ultrasound lang talaga ang sagot.. Godbless
Kung maselan ka may morning sickness na malala may chance na baby girl 80% lng sya for me if boy di ka dapat maselan sa lahat walang morning sickness 80% for me na boy yan. 20% lang may chance na baby boy sya or baby girl
1st baby ko is boy maselan as in grabe yung morning sickness ko even lunch and dinner sinusuka ko kinakain ko makaamoy lang ako ng kahit konting amoy bumabaliktad na agad sikmura ko.
I have a boy and a girl, pero wala naman pinagkaiba symptoms ko. Mas naniniwala pa ako sa "mother's instinct" kesa sa lihi, shape ng tummy, or appearance ni mommy. Anyway, ultrasound is the key lang talaga 😁
Totoo maaa. Sa 1st baby ko feel na feel ko na girl talaga. Sa 2nd start pa lang alam kong boy na hehe
Hello mommy, kahit walang gana ay pilitin kumain. Ako kasi halos 2x-3x a day lang kumain. Nung Monday nag pa ultrasound ako nakitang below fetal weight si baby. Mag fruits ka at veggies ❤️
ako mii, halos sa mga sinasabing signs ng baby girl lumitaw na pero "IT'S A BOY" 😅 kaya di nako naniniwala sa signs signs sa ultrasound nalang 🤣🤣FTM @ 27 weeks here.
pang 3rd baby kona pala to 😅
Tanong lang.. when did you make the baby? days before ovulation , after or on the day of ovulation... with that you can hypothetically guess correctly the gender
yep based on science. wala yan sa itsura mo or sa pinagkakain po 😂
auko na umasa sa ganyan, waiting for my next ultrasound na lang. laging pwet naman kasi pinapakita ni baby. mana sa daddy niya na camera shy
hahahah ganyan din ako before, 3x pelvic ultrasound. yung pang 2nd and 3rd ay nakita naman na. Inom/kain ka lang ng something na matamis para magalaw siya during ultrasound.
Ultrasound lang po talaga makakasagot nyan. Hindi sa hugis ng tyan o kinecrave na pagkain. Haha