Badly needed advice

Mga mommy I really need your help ngayon kasi nalaman ko na sobra sobra nahuli ko ung soon to daddy ng baby ko na my sinamang ibang babae sa motel with picture pa at pinilit ko talaga paaminin siya ngayon na alam ko na ang totoo im confused ano ba dapat kong gawin ayoko pa din masira ung family namen dalwa but still ang sakit sakit ngayon pa talaga ng 6month pregnant ako sa 1st baby ko. Can you advice me ano ba dapat kung gawin I’m badly need your help hindi nawala sa isip ko hindi ako makatulog bkt niya nagawa saken to! San ako nagkulang lahat lahat nmn binibigay ko pero nalusutan pa din ako #firstbaby #pregnancy #pleasehelp

12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Wag k papayag na isa ka sa mga tao na magtitiis masaktan para lang masabeng may buong family. Unang una mas mabibigay mo ang full love mo sa anak mo, pag malaya ang puso mo sa sakit, stress and everyday torture n kakaisip n bka kasama nanaman nya babae nya. Let him be, wag k matakot magisa or mawala sya. Once manganak ka, look at ur child, that's the only unconditional love you need. Men will be men. Pray lang. Malalampasan mo yan, kasama mo man sya or hinde sa journey mo sa life mo and ur baby. ❤️

Magbasa pa
2y ago

parang sakin lang, habang buntis ako sa panganay ko. my iba ka sex nalaman ko nalang nung may nag balita na my nabuntis siya pero nag deny siya. panatag ako noon kasi alam ko di niya mggawa pero after na nag hiwalay kami nalaman ko nbuntis nga niya ung girl.

VIP Member

Kung ako sayo, lalayuan ko muna siya. Kasi everytime na makikita mo siya maalala mo yun. Yung mental health mo ang pinaka importante and peace of mind. Kasi aminin naten o hindi, pag sinabi ng lalaki na hindi na uulitin di ka nakaka sigurado kung uulitin pa ba niya. For me maigi ng di kumpleto ang importante yung mental health and peace of mind. Sooner or later pwede mo iopen sa magiging anak mo yun, pwede pa rin siyang andyan para maging tatay. Pero sa ngayon hiwalayan mo muna check mo kung hindi na niya gagawin yun.

Magbasa pa
VIP Member

Nasa sayo padin yan Mommy, iba-iba kasi mindset ng tao base on experience. Yung iba kasi galing sa broken family kaya kahit ano gagawin wag lang masira ang pamilyang binubuo nya. Pero kung torture na torture kana, wag ka maging martir mas mapupunan mo yung pagmamahal mo para sa anak mo. Kesa naman ikaw isip ka ng isip at mangamba ka ng mangamba baka mastress kalang, kawawa baby mo, kayo parehas actually. Pray lang palagi mamsh and May God bless you more & your baby.

Magbasa pa

nasa sayo ang desisyon sis.hindi madali yung pinagdadaanan mo.it will take a long time to heal.kasi pag pinatawad mo kailangan mo din isipin na hindi yan pagmumulan ng away nyo.kailangan mo ng isantabi yung pangyayari na yan dahil once na inungkat mo yan at yan ang pinagmulan ng away nyo dun mo malalaman na di ka pa totally nakapagpatawad.

Magbasa pa

Siya yung nagkamali, hindi naman ikaw yung kulang. Mahalin mo yung sarili mo, at baby mo. Layuan mo muna sya, kasi mastress ka lang. mahirap sa umpisa pero need kayanin para sa sarili at para kay baby. Kung mahal ka talaga nya at si baby , magbabago siys, magkakabalikan kayo.. need mo muna time..

TapFluencer

iwanan mu .. once a cheater, always a cheater! Once is enough and twice is too much! Maging strong ka lang mommy, kawawa si Baby kapag stress ka. Pagtuunan mu nalang ng pansin ang pagbubuntis mu ngayon. Eventually yang partner mu marerealize din nya kung sino sinayang nya.

TapFluencer

Leave! Know your worth mommy. Period. Ang mga cheaters po, hindi na dapat binibigyan ng second chances. Ang mga cheaters po, kahit ilang beses mangakong magbabago, cheater pa rin po. Why? Cheating is a choice. Cheating is a decision.

Momsh,bawal ka mastress.. iwasan mo yomg mmkakapgbigay ng stress sayo, di nyo yan deserve ni bby. ask for help of ur family to get better advice.

VIP Member

nasayo pa rin ang desisyon mi. kung bibigyan mo pa ng chance edi go kung hindi i let go mo na. wag mo pilitin buoin pamilya mo para lang sa bata.

layuan muna sya. kung di siya mag sustento meron naman vawc. sa una tlaga mahirap. pero mas mahhirapan ka pag tinanggap mu nalang na ganyn kayo.