PPD? ......

Hi mga mommy I am on my 1month postpartum, alam ko safe place to para magrant🥺 diko alam bat ganito nararamdaman ko di naman ako napapagod mag-alaga ng baby ko Kasi andito naman mister ko, mama ko, at tita kong walang anak na mahilig sa baby may mga kasalitan akong mag-alaga bat ganon pag nasakin na si baby Wala akong tyaga mag-alaga tapos pag nasakin na sya umiiyak sya😢 pag naman binibigay ko sa mama ko tumatahan naman parang ayaw sakin ng anak ko😭 ako naman katabi nya matulog at nag-aalaga sa madaling Araw, and pag umiiyak naman sya naririndi ako to the point na nasisigawan ko sya naawawa ako naiiyak nalang ako😭😭 naaano din ako sa katawan ko parang Ang laki ng pinayat ko pero sinasabi ng mama ko Ang Ganda daw ng katawan ko🥺 gusto ko lagi din ako natutulog Kasi feeling ko pagod ako kahit Wala naman ginagawa maghapon😢 ganito ba talaga pag bagong panganak? Akala ko ok na pagkapanganak ko, mahirap na nga magbuntis mas mahirap pala pag bagong panganak😭 nahihiya Kasi ako mag-open sa mister ko baka sabihin nya oa lang ako🥲

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello momsh. Ako naman 2 months postpartum. Alam niyo po swerte padin po kayo kase kasama niyo hubby niyo. Ako po kase bago ako manganak nag OFW na si hubby sa Japan. Ang hirap kase wala sya sa tabi ko. Tanging ung biyenan ko lang kasama ko nag aalaga sa baby ko. Si mama ko naman saglit lang ako nasamahan dahil sa may work dn sya sa Manila. Na try ko na din mainis at mag worry lalo na pag iyak ng iyak si baby ko na halos lahat nmn ginawa ko na. Minsan naiiyak ako pag hinehele ko sya kase nagi-guilty ako pag naiinis ako sa iyak nea :( Pero pag once na nakikita ko mga ngiti nea nawawala lahat ng pagod ko. Nilalabanan ko talaga ma depress pra sa anak ko. May times na namimiss ko ang single life ko na nagagawa ko lahat ng gusto ko at namimiss ko na dn mag work at mga close friends ko. Pero iniisip ko nalang, Hindi sila forever na baby, darating ung panahon na lalaki sila kaya cherish lang natin every moment at pampawala ko din ng lungkot pag nagbabasa ako ng mga experiences ng ibang mommies dto sa app na to, knowing na hndi lang pala ako nag-iisa ;) Kaya natin to mga mommy para sa LO natin

Magbasa pa
3y ago

sending hugs mamsh kaya natin to ♥️