Hugs momsh! 😔🫂 Same situation here, Im on my 1month postpartum din (6weeks to be exact). Nararanasan ko rin ilan sa mga nararanasan mo ngayon like yung nasigawan si baby. Twice ko yatang nagawa na nasigawan si baby dahil sa kaiiyak at sobrang nagiguilty ako after nun. 😭 I promised to myself and to my baby na di ko na ulit gagawin yun. Dala lang rin siguro ng sobrang pagod at stress sa paligid ko. Ganyan din pakiramdam ko na gusto ko laging natutulog kasi parang pagod ang pakiramdam ng katawan ko pero di ko magawa kasi kailangan kong alagaan si baby. Wala kasi ako masyado kapalitan sa pag aalaga kay baby. Pag nasa bahay ako ng mother ko, kapalitan kong mag alaga yung mother ko pero tuwing late night at madaling araw lang. Pag dito naman sa bahay namin, ako lang talaga mag isa pag araw so akin lahat. Sa gabi ko lang nakakasama si hubby dahil may work. So nakakapagod talaga kasi gustuhin kong magpahinga, di ko magawa. But I survived this past 1 whole week na ako lang mag isa dto sa bahay pag araw. Kala ko ok na ko. Pero right now, inaatake ako ng sobrang lungkot at iyak ako ng iyak. I dont know if this is just baby blues or postpartum dep na. Ang masasabi ko lang na maganda sakin, nakakapag open ako sa hubby ko at naiintindihan nya. He's supportive naman sa kung anong maganda naming gawin. So, I think it somehow helps na makapag open ka sa hubby mo or sa family mo about your feelings. Dont just keep it to yourself. Ilabas mo para medyo gumaan din pakiramdam mo.
Hello momsh. Ako naman 2 months postpartum. Alam niyo po swerte padin po kayo kase kasama niyo hubby niyo. Ako po kase bago ako manganak nag OFW na si hubby sa Japan. Ang hirap kase wala sya sa tabi ko. Tanging ung biyenan ko lang kasama ko nag aalaga sa baby ko. Si mama ko naman saglit lang ako nasamahan dahil sa may work dn sya sa Manila. Na try ko na din mainis at mag worry lalo na pag iyak ng iyak si baby ko na halos lahat nmn ginawa ko na. Minsan naiiyak ako pag hinehele ko sya kase nagi-guilty ako pag naiinis ako sa iyak nea :( Pero pag once na nakikita ko mga ngiti nea nawawala lahat ng pagod ko. Nilalabanan ko talaga ma depress pra sa anak ko. May times na namimiss ko ang single life ko na nagagawa ko lahat ng gusto ko at namimiss ko na dn mag work at mga close friends ko. Pero iniisip ko nalang, Hindi sila forever na baby, darating ung panahon na lalaki sila kaya cherish lang natin every moment at pampawala ko din ng lungkot pag nagbabasa ako ng mga experiences ng ibang mommies dto sa app na to, knowing na hndi lang pala ako nag-iisa ;) Kaya natin to mga mommy para sa LO natin
sending hugs mamsh kaya natin to ♥️
Angelie Delacruz