solid foods
Hi mga mommy! Gaano nyo po kadalas pakainin si baby nung first time nya mageat ng solid food? Araw araw ba agad? Anong una nyong pinakain sa knya. Thank youuu
Eksaktong pag ka-6 mos niya pinakain na namin siya, yes araw araw namin siyang pinapakain, buong buwan non unti lang pinapakain ko tikim tikim lang muna kada tatlong araw ako nagpapalit ng vege. Tinitignan kung may side effect ba pero okay naman halos lahat, tapos nitong 7 mos niya padami ng padami na yung kinakain niya nanjan sa list lahat ng papakainin/napakain ko na kay baby. Nauubos niya naman lagiπ Actually mas magandang unang pagkain talaga ng mga babies is avocado para daw sa brain dev. Kaso wala kaming nahanapan kaya kalabasa yung una niyang food. Click niyo po yung picture. Join po kayo sa fbgroup: healthy baby food ideas philippines
Magbasa pa
Renzelle, 2 years old