C.S tommorow

Hi mGa mommy.. Flex ko lang na bukas na ang schedule ko ng C.s 38weeks and 2days nako bukas,.. Excited ako na kinakabahan although pang 2nd baby nato pero dko padin maiwasang mag isip.. Halo halong emotion😊sana ung anesthesia sa dextrose ulit padaanin gaya ng sa 1st baby ko. May nagsasabi kase ung iba sa likod daw tinutusok masakit daw yun hehe sino po nakaranas nun? Goodluck po sa amin ng baby bukas maging sa mGa mommy dto na manganganak din ingat po sating lahat.. Pray pray Pray po tayo makakaraos nadin ako sa wakas bukas kase grabe din selan pinagdaanan ko😊 Pa sama din po sa Prayer nyo thanks in advanced po

C.S tommorow
37 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako din po cs. Sa likod po ako tinurukan ng anesthesia. Pababaluktutin lang po kayo kapag malaki po ang tyan mahihirapan po sa pag baluktot ako po kasi medyo maliit ang tyan kaya di ako mashadong nahirapan. Di ko rin po mashado akong nasaktan nung tinurukan ako. Tass tumalab po kaagad ung anesthesia saakin. Meron di po silang tinurok sa dextrose ko. Good luck moms kaya mo yan

Magbasa pa

feeling ko mamsh naka general anesthesia ka. akala mo lang sa swero pinadaan pero pinatulog ka lang tsaka ka ininjectionan sa likod. ganun kasi ginawa sakin. pero nililinisan na yung likod ko nun bago pa ko lagyan ng gamot sa swero. kaya nung iinjectionan na ko nagdadasal ako. pero may nilagay sila sa swero . pag gising ko past 12 na. 9am ako inoperahan.

Magbasa pa

ako po nung nanganak ako non, sa likod pinadaan yung anesthesia. di ko naman naramdaman masyado kasi una nila akong tinurukan ng pampaantok eh buti tumalab agad kaya di ko na alam nangyayari 😅 anyway, goodluck po!! fighting ❤

For me hindi masakit ung spinal aneasthesia momsh. Normal delivery ako pero need ng spinal aneasthesia kasi d nila matahi ung pepe ko ng maayos gawa ng mababa pain tolerance ko talaga. Buti nga nakapag normal pako 😀😂 goodluck !!!

5y ago

True kaya sinaksakan nako aneasthesia kasi d talaga matahi ng ob ko hanggang pwet pa naman ung hiwa ko

VIP Member

Sa likod tinurok sakin pero parang wala akong naramdaman basta pinabaluktot lang ako kinapa nya spinal ko then turok tapos na😂 o cguro dahil sa pag-aalala ko sa anak ko na sobrang aga lalabas kaya di ko na napansin😢

gud luck momsh! ako sa 3 baby sa likod anesthesia pinapabaluktot gaya ng mga nabanggit din ng iba, cguro ung sa dextrose painrelivier kasi mas mabilis makatayo experience ko 3rd CS now I'm on my to baby#4 may due😍

nung tinurukan ako hindi ko alam kung masakit ba kasi naglelabor nako nun tapos ipapabaluktot ka pa nila kaya nahirapan ako dun. After ng pag inject sakin nagising nalang ako na nalabas na yung baby ko hehe 😆

ako din po twice n cs. s likod din po pinadaan ang anesthesia wala aman mahirap lang bumaluktot..gudluck and godbless..congrats in advance s paglabas ng baby momshie.

same po tau, cs q dn po bukas.. pang 2nd cs q n 2☺️ sa likod ung turok q nung una ok lng nmn.. ewan q lng ngaun s 2nd q qng s likod ulit.. excited n dn aq😍..

Bakit cs ka ka momsh? Ako nun naubusan ako ng panubigan, maliit pa sipit sipitan ko tsaka hindi ako marunong umire.. Peru nainormal ko baby ko... One month na sya ngayun

Post reply image
5y ago

same po tau awa ng dios dpo n cs..kaya lng po skin overdue na at nkkain c bby ng dumi ..pro ok n po ngyn 4 months n ..thank you lord