first time mom

mga mommy do u believe in binat po after giving birth? if yes, do u believe din po ba sa pamahiin like bawal mag-gupit ng nails sa kamay at paa? worry kasi ako kasi madalas may sumisingit na dumi sa kuko natin kapag mahaba ito at syempre hawak ko palagi si baby, any opinion naman po jan badly want to cut my nails na po, nag aalala lang ako kasi baka daw mabinat ako, I’m so confused, baka meron po dito na nag-gupit tas di naman po talaga nakakabinat yun, haba na po kasi feb 27 ako nanganak almost 3 weeks na yung kuko ko huhu please share your thoughts mga mommies thankyou so muchhh❤️❤️❤️

10 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Me tiniis ko isang buwan na di maggupit ng kuko and 9 days di naligo di nagbuhat mabibigat, di nagpapagod di naghawak agad water, di nag phone agad. mahirap mabinat kase sabe nila kung di mo pa nakita ngayon baka in the future. Nakakatakot dami namamatay samen dahil sa binat. Di rin ako nag short at sando agad.

Magbasa pa

di po ako naniniwala. nanganak ako via cS po mi, nakalimutan kong maggupit ng nails ko b4 manganak kaya ginupitan ko after 2 days, tpos nagpalinis ako ng kuko ko sa paa after a month ulit. wala pa naman ako nararamdaman aside sa sakit ng katawan dala ng puyat at pagod mag alaga.

baka po masmakakakuha tayo ng sakit kung di natin nilinis katawan natin.just saying po...ako po naligo after 3 days via CS delivery po ako. nagshort na din kasi po mainit panahon.God's grace, healthy nmn po ako pati si baby.

TapFluencer

ako nga po after 2 days naligo na, after 3 days nung nanganak ako naggupit ako agad kuko, after 6 months ni baby nagpagupit ako buhok wala naman po nangyari sakin.. lipas gutom ang nakakabinat at pagpapahamog po

That isn't true. Nag cut na ko ng nails ko. Di naman ako nabinat tsaka di naman ako binawalan. Mas delikado kung di ka mag cucut ng nails mo kawawa si baby pag accidentally na masugatan sya sa kuko mo mommy.

Ako po pagkauwi sa bahay naligo na agad, advised naman ng OB ko yun warm water lang pinaligo. Nag gupit na din ako ng kuko wala naman po nangyari

hindi po😅 naligo na nga po ako agad pagkauwi ko galing hospital, then nag gugupit nako ng kuko mahirap na baka masugatan ko pa si baby.

hi mommy feb 28 ako nanganak, after ilang days naggupit naman ko ng kuko ko sa kamay hndi naman po ako nabinat

ako po cut ng cut ng nails para safe si baby..okay naman ako.

after 1 week or Maligo momshie pedi na mag gupit ng kuko