Praning palagi

Hello mga mommy,. Ask lang po sana ako advise kung paano mawawala ang kaba ko or pagkapraning ko i had miscarriage before twice and now im currently 9weeks5days pregnant,. Last tvs utz ko noong 6weeks5days si baby and kahapon nagpacheck up ako my uti ako kaya nagtatake ako antibiotics now,. June 24 pa ulit next check up ko di ko maiwasan mag isip ng nega na paano kung hnd na pala ok si baby sa loob ko kung maulit muli na makunan ako,. Grabe yung pagkapraning dahil yung pain na mawalan ng baby is nakakabaliw., Wala din ako morning sickness or hilo tanging signs lang ay sore breast and gutom ako kada 30mins or 1 hr. #pleasehelp #1stimemom #advicepls #firstbaby #pregnancy

16 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi. Same as you. Nagkamiscarriage din ako last year and now I'm 9w preggy. NagkaUTI din. Kakatapos ko lang mag antibiotics and patapos na ang bedrest ko. June 25 naman ang next balik kay OB. Sobrang tagal din ng check up like you. Minsan naiisip ko din yan na baka "hala ano na kayang nangyayari kay baby sa loob" pero kasi habilin na habilin ng OB ko na bawal mastress at mag isip ng nega thoughts kaya iniiwasan ko yun. Yun lang pinagkaiba natin, may morning sickness ako. Kinakausap ko lang lagi si baby. I am always saying na doing good sya sa tummy ko. Excited ako makita sya sa next check up kaya dapat healthy kami. Ayoko naman bumili ng fetal doppler right now kasi mas nakakaparanoid daw kapag di mo mahanap ang heartbeat tsaka di padin naman maririnig kapag ganito kaaga. Pray lang sis. Eat healthy. As long as no bleeding and no abdomen pain, I'm sure okay ang baby mo. Okay ang mga baby natin. 🌈❤️🙏☺️

Magbasa pa

All you can do first is pray. Miscarriage din ako last 2016 then this time I am currently 21weeks and 3days pregnant. Gaya mo takot din ako na baka maulit ung ngyari saken sa 1st pregnancy ko kasi nung 6weeks ako d ako nawalan ng spotting almost 2weeks akong may brown discharge and 2months ako nagtake ng pampakapit. Awa naman ng Diyos wala akong UTI that time ok ang laboratory ko lahat. Pray klng momsh kung para sau ibbgay na ni Lord yan, magbed rest ka din muna wag masyadong magkikilos lalo na nasa 1st trimester ka palang. First 3months ko complete bed rest ako, mahirap pero para kay baby kailangan natin gawin lahat ng nkabubuti. 🙏🥰

Magbasa pa

same! pero ako nawala baby ko 35w5d stillbirth. malaki na sya. Im now 20weeks pregnant every gigising ako is nakakatakot. kasi nung namatay ung baby ko nagising nalang ako na wala nang movement tapos wala na pala syang heartbeat pero nung gabi bago ako matulog malikot pa sya.. Kaya morinings are the hardest part of the day for me. Everyday ito, sobrang traumatic. 20weeks palang ako mahaba habang paghihintay pa at pagkapraning.. 💔😔🥺

Magbasa pa
3y ago

natuyuan daw po.. pero wala akong naramdaman or di ko napansin na may nag leleak..

same mommy nakunan na ako before and now i'm 7 weeks preg 😢 checkup ko sa june 3 at sobra akong kabado ksi unang checkup ko blighted ovum daw ako 💔 first baby ko kasi no heart beat sobrang sakit as in pain. Pray lang tayo mommy for our baby magtiwala tayo kay god at no negativity muna maging positive ka lang kay baby na ok sya 🙏💕 no stress muna at lagi manuod ng funny videos much better kung mismong asawa mo ang nagpapatawa sayo 😇

Magbasa pa
VIP Member

hi mi, nakunan din ako non, napakasakit pero wala naman choice kundi tanggapin, pero eto may baby na ako ulit..dont worry too much lang po maipapayo ko kasi kung ano ang nrrmdaman nyo ay nararamdaman din ni baby, nasa iisang katawan lang po kayo, bawal po kayo ma stress as much as possible lagi nyo isiipin ung present, at kung ano po ung nangyari noon may dahilan si God patuloy lang po natin ipagpray ung soul ng angel nten

Magbasa pa
TapFluencer

If prescribed ng OB mo po yun gamot safe po yun sa Baby. Ako din ganyan may uti ako 2 antibiotic iniinom ko din. Nakunan na din kasi ako kaya now super nag iingat na din ako. Same tayo, wala din ako Morning sickness tapos signs lang sa akin is sore breast din and minsan pag sakit ng balakang. Pray lang po, magiging Healthy si Baby. Then lagi ka na lang update kay OB mo po.

Magbasa pa

Hello mi, namiscarriage din ako last year and now buntis na ulit ako after a year. May pagkapraning din ako lalo ngayon dahil high risk yung pregnancy ko as is bed rest ako ngayon dahil nagspotting ako. Bumili ako sis ng sensitive fetal doppler para lagi ko namomonitor heart beat nya kaya ngayon na-lelessen yung worries ko. and pray lang lagi sis.

Magbasa pa
3y ago

hello may i know the brand po of doppler nyo? mula 5 weeks ko nka duphaston na din kase ako until now 3 mos na ko bukas..gusto ko din mg monitor kay baby.. 1st baby here

Hi sis! Don't worry too much kasi lalo ka ma iistress niyan. Just follow your doctor's advice. Monitor mo din sarili mo if may kakaiba nangyayari tell it to your doctor right away. Take a lot of rest. Once na mafeel mo na need mo mag pee, do it right away and drink ka din ng water. Take good care of yourself. I am also in the first trimester. 😁

Magbasa pa

ganyan din ako mommy twice na din ako nakunan..at ngayong 17weeks pregnant nako..may kaba palagi para sa atin..pero pray lang tayo palagi kay lord..naniniwala naman ako kung para sa atin satin talaga kaya always pray lang po tayo..wag kana mag isip mommy si baby kasi maapektuhan din..yngat palagi mommy godbless always..

Magbasa pa

mas okay po kung mag wawater therapy nalang kayo kesa mag take ng antibiotics, kase malakas po yung gamot hbdi natin alam kung nakaka apektado ba sya sa baby natin or what, tapos wag po kayo masyado nag iisip kase apektado din yung dinadala na baby sa loob. kaya madalas may nakukunan.

3y ago

hindi naman po lahat ng OB perfect😊 depende po yun sa nararamdaman mo.