Antibiotics for UTI

Mga mommy, ask ko lang po sana. Medyo di ko kasi alam susundin ko. May UTI po kasi aq and niresetahan po ako ng OB q ng antibiotics for UTI and ask for another urinalysis after to check kng nawala daw po. At the same time, may reseta din na pampakapit kasi daw magte-take nga daw ako ng antibiotics for a week. Sa first baby pregnancy ko po kasi, decade ago, di aq pinagtake ng mother ko and same as today. Sabi sakin ng mother ko at ilan friends na idaan ko na lang daw sa fresh buko and more water kasi normal naman daw sa preggy ang UTI. And all pregnant woman, nagkkron tlaga daw ng UTI. Di ko po kasi alam kung alin susundin ko since nattakot din aq magtake ng antibiotics dahil sa history po ng auntie ko. Naluto sa antibiotic un mga naging baby nya kaya wala nabuhay🥺 Even my partner, ntatakot din magtake ako since it will be his first baby and lalo na po ako kasi ilan beses na din akong niresetahan ng pampakapit dahil po mababa matres ko. Meron din po ba sa inyo ang di nagtake ng antibiotic?? #pleasehelp #advicepls

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Follow your OB and support it with increase water intake, buko and vitamin C na rin.. tapos wag pigilan pag naiihi.. yes common ang uti sa buntis, pero if not treated, may go up sa kidneys mo na pwedeng mas lumala pa.. Di ka naman po reresetahan ni OB if di nya nakita na masyadong maraming mikrobyo sa ihi ninyo.. then ang duphaston is support namna din sa matres at kapit ni baby, dahil pag may UTI prone sa uterine cramps na baka magcause ng premature labor.. 1 week lang po yan nangamutan kungbsusundin lahat ng advice ni OB.. tiis ka lang po. Godbless.

Magbasa pa

Ako po may UTI din, kahit before pa ako mabuntis until now meron pa rin..kaya sabi ko kay OB na nagwo-worry kako ako, pero kahit makulit ako, paulit-ulit nya rin ako nireremind na wag mag-alala kasi daw mababa at normal talaga ang UTI sa pregnant, mas inadvise nya na mag-water therapy ako. so I guess depende po kasi yun sa taas ng infection mo..kung sinabi ng OB mo yun it means kailangan mo talaga..magtiwala ka lang po sa OB mo kasi mas alam nya ang gagawin, mahirap na pag di naagapan, baka mag-lead pa sa ibang complications.

Magbasa pa

Okay naman po yung more water and buko for support pero baka po kasi mataas ang UTI nyo kaya binigyan napo kayo ng gamot. If prescribe naman po ng OB i'm sure safe po yan 🙂 Mas okay po kasi matreat agad kaysa makaaffect kay Baby. Nagka UTI po ako before pero mababa lang kaya yun po kaya ng water therapy at buko lang po 🙂

Magbasa pa
Super Mum

may mga safe antibiotics naman po for expecting moms. better to have the infection treated kesa lumala

2y ago

I decided to follow what my OB advice me to take na. Kahit sobrang takot ako at ayoko uminom, ginawa ko n lang din talaga. If it's for the sake of my baby.. Sabayan q nlng dn tlga ng prayers na walang mngyare masama..

your OB knows best. delikado ang UTI sa buntis po.