Late pregnancy

Mga mommy, ask ko lang po if meron dito late na nag baby, got married sa 30s nila? im 32 y.o, no experience pa sa sex and planning to do it na po, they are saying na mahihirapan daw po ako manganak or there is a possibility na may prob ang baby pag lumabas. Base on your experience po, is it real po ba? Nahirapan po ba kayo?

20 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ako po i got married at 33 and got pregnant at 33 din. may pcos pa po ako. at sabi mahihirapan daw ako magbuntis at manganak pero lahat po yun ay hindi ko naranasan. ngayon po pregnant ako sa 2nd baby ko. ang dami pong hindi makapaniwala sa nangyayari saken. pero lahat po ito ay blessing. tiwala lang po sa sarili, higit sa lahat ay sa Diyos. lahat po ay nadadaan sa panalangin ❤️

Magbasa pa
8mo ago

PCOS mommy here too. ☺️☺️☺️

Ako nga 30 nag asawa..33 unang nabuntis nakunan,after 2yrs nabuntis ulit july last yr aq nanganak at 36yrs old nah..ok nman pagbubuntis ko may uti lng pero nagamot nman na..bata kpa basta healthy katawan mo kaya mo p magbuntis ng maayos.

may iba po nasa 39 to 40 yrs old na nun na preggy. basta dasal at mag tiwala sa Diyos. at kung keri naman po pwede tau mag add ng medical intervention to help us na ma preggy. everything is possible na po nowadays

Magbasa pa

Kaya po mommy, as long as you take care of yourself. Paalaga din po sa OB if plan magka baby. Me, Got married at 34 had my baby last jan 6, 35 yrs old.. so far ok nmn kami ni baby.

Parang bata pa naman ung 32 but 35 onwards medyo mahirap pero possible pa din. Eat healthy live healthy. Sa gift ng baby si Lord lang kasi makakapagbigay nun kaya prayers pa din.

ako po preggy 36 yrs old nakunan ako nung 25 yrs old ako naun lang nabigyan ulit. Sabi ng ob ko csec na daw ako kasi considered elderly na daw ako baka mahirapan na daw ako.

ako po 31 na nag asawa at nabuntis agad, wala pang isang buwan yun..okay nman baby ko..na cs lng nga ako dahil hirap nko umire..

ako po i got married at 34 and got pregnant at 35, now I'm 16 weeks pregnant. Wala pong imposible kay God basta mag pray lang po

yes po momshie andami po experience na ganun bukod sa hirap manganak hirap din magalaga kasi madami body pain😭😭

me 33 na and 4months preggy palang 🤩🥰