Need advise po

Hi mga mommy, ask ko lang kasi sobrang bigat ng tyan ko pag naglalakad ako or kahit tumayo lang ako ng mga 5mins. Sumasakit din po puson ko pero di naman ako nagbi-bleeding. Need ko po ba magbedrest? Nagtext ako sa OB ko sabi nya pakiramdaman ko daw kung lagi ba yung pakiramdam ko na mabigat tyan ko then may ibibigay daw sya na gamot. Madalas din sumakit tagiliran ko pag naglalakad ako lalo sa bandang kanan. Parang may nakatusok. Di ko sure kung tuhod or siko ni baby kaya minsan nahihirapan ako tumayo. 23weeks and 3days po ako today. #1stimemom #advicepls #pregnancy #firstbaby

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

same po Tayo 23 weeks and 3 days . ganun din sakin mahirap mag lakad. masakit ung bandang puson . minsan naninigas tyan ko. then last week nagkaspotting ako... 3rd floor pa Naman Kami nakatira Kaya nung nagkaspotting ako pinahiga na ako ng hubby ko halos sya na gumagawa ng gawain sa bahay .Di na din ako nakakaalis na bahay . bed rest muna para Kay baby. dahan dahan muna sa galaw . kinakausap ko din si baby ko na kapit Lang Kay mommy... pray Lang po Tayo.. 🥰 Team September ❤️

Magbasa pa
3y ago

same mommy. bedrest din muna ako kasi pag tumatayo ako parang ngalay agad yung balakang ko. laki na kasi ng tyan ko 😁 naeexcite na rin ako sa CAS para masigurado na normal si baby 🥰 Sept. 5 EDD ko mamsh, ikaw po ba? ☺️

halos same po tayo, ang advise lang sakin is bedrest, nakilos lang ako pag okay pakiramdam ko and minsan pag may need talaga gawin at feeling ko ayaw ng katawan ko kumilos si baby ang kinakausap ko pero more bedrest po talaga ako sa ngayon, pakiramdaman nyo lang katawan nyo if okay ba kumilos o hindi

Magbasa pa
3y ago

yun nga sis, kahit gustuhin ko man pumasok na ulit sa work pero parang yung katawan ko ang may ayaw. hirap tumayo lalo sa umaga. ingat muna talaga tayo para safe si baby.