4 Replies

VIP Member

Ang masasabi ko lang dyan ma, wag mo pakinggan yung iba haha. Depende yan sayo, kung masipag ka ba mag laba or may maglalaba everyday para sayo. Yung baby ko since nung newborn sya nakaka 3 palit ng damit sa isang araw. Minimum yon. Depende pa kung mag leak wiwi o poop o mag lungad, another palit na naman yon. Kung 6 lang damit ng baby ko, araw araw kelangan ko maglaba 😅 ginawa ko bumili ako mga baru baruan na mura lang, nasulit naman kasi gamit na gamit. After nya gamitin dinonate ko na di para pakinabangan pa ng iba. Onesies mga 3months up na binili ko. 7months na baby ko hanggang ngayon nasusuot pa nya most ng onesies nya. 🤣 weekly lang din laba namin.

meron ko is preloved NB clothes ng pamangkin ko 12doz ata. tapos bumili ako ng 6pcs onesie 0-3, 2short sleeve, 2long sleeve, 2 sleeveless. then 0-6m pants. since lagi naman kaming umaalis.

6 pcs na onesie sa baby boy ko, nagamit namin ng 1 month and half nya. kasi after nun medyo nag gain na sya ng weight, ayoko na ipasuot yung onesie na medyo fitted.. hindi na rin ako bumili ng bago. Nag switch na ako sa sando-tshirt (daytime) pajama-tshirt (night time) yan na ang lagi ko binibili, mas nakakaporma sya hehe and medyo mas malaki na sizes na binili ko para di maliitan agad, lalo pag pambahay lang.

6pcs lang binili kong NB na onesie, and tig pairs ng pajama and shorts. Kung balak mo puro onesie ipapadamit ke baby yun bilhin mo mag add up ka lang ng size. ako halos 6-9mos na binibili kong onesie iilan lang ang 3-6mos para matagalan na din. hehe

VIP Member

And ano mas maraming binili nyo na clothes? Thankyou

Trending na Tanong

Related Articles