FTM ADVICE
Mga mommy ask ko lang anong skin care or kahit ano pong ginagamit nyo para maiwasan na magka amoy tayong mga buntis? Simula kasi nabuntis ako naging pawisin ako kaya pakiramdam ko umaasim na ako. Anong mga tips or ginagamit nyo para fresh pa rin at maiwasan ang hindi okay na amoy? #pleasehelp #advicepls #firsttimemom #firstbaby #ingintahu #firstmom
Ako ang home remedy ko sa armpit apple cider na ipapatak ko sa cotton tapos papatakan ko ng water then pupunas ko sa UA. Di ka mangangamoy suka kasi nanuneutralize nya yung amoy tapos saka ako maglalagay ng deo. Once or twice a day ko ginagawa. Takot ako nung una gawin pero ngayong 3rd tri need ko nakakahiya naman pagcheck up at innabot akong pawis na pawis lalo pa madalas na balik balik sa doctor. Nasa inyo lang po if itatry nyo, yan ay sa aking experience lang naman.
Magbasa paIwas ka muna sa Scented na mga Sabon and Lotion. Pansin ko nangasim ako sa mga super babango na soap and lotion eh. Kaya Baby Soap muna gamit ko, nagstop gumamit ng Lotion. Switch muna ako sa Bio-oil (tummy and bum na lang muna nilalagyan ko) Underarm - Deonat Aloe Vera. Nasa 3rd Trimester na ako now, and jusko po grabe ako pagpawisan as in ang lala. Kaya 3x palit ng dami haha
Magbasa paMalalagpasan din natin ito mga mi. May ibang tao di aware sa pinagdadaanan natin, basta tayo aware tayo at wag magpakastress.
May nag suggest sakin nitong product na to mi murayta lang, unscented and safe for preggy. Tnry ko ksi di gumamit ng deo pero di talaga keri, nakakahiya nalang sa asawa ko kasi nag iba talaga amoy ko. Haha. kaya nag hanap ako ng safe for pregnant.
pansin ko nga na mas umasim ako nung nagbuntis, though I'm using Milcu Deo yung roll on. Okay naman siya
akla ko ako lng ganto ung tipong kakatpos lng maligo,, maamoy kona agd sarili ko prang ang asim kona
Tawas lang sa akin eversince eh. pwede din kalamansi babad mo lng ng onti then rinse.
May mga deo na super safe to use while pregnant. Si Mama's Choice meron.
Nagmama's choice po ako di ako nahiyang. Baka talagang dahil buntis ako at pawisin
tiisin mo nlng.. tamang ligo lng sa umaga at gabi.
Ty in advance
Excited to become a mum