post partum depression??

Mga mommy ano pong signs ng postpartum depression? Ano po ba gagawin pag may ganto? Last year pa po kase ako di nakauwi kila mama sa laguna since nagka pandemic, dito lang ako naka stay sa bahay ni hubby sa las piñas. Uuwi na sana ako kaya lang nalaman ko na preggy ako kaya pina stay na lang ako dito ni hubby sa kanila. After ko manganak nung dec 8, 2020 parang feeling ko stress ako lagi na naiiyak na malungkot tapos iritable pa ko sa lahat ng bagay to the point na minsan pag iyak ng iyak si baby shineshake ko siya sa sobrang inis ko. Kahit alam ko bawal. Minsan nahohomesick ako naiiyak na lang ako. First time ko po kase magka baby nahihirapan ako mag adjust, wala po akong katulong mag alaga kay baby. Feeling ko nakakulong na lang ako dito sa bahay. Nakikita naman ako ni hubby minsan na naiyak tapos kinakausap niya ko. Kaya pag walang work at di busy si hubby tinutulongan niya ko kay baby. Napapagod na ko nawala na yung excitement at saya nung preggy pa ko. #1stimemom #firstbaby #advicepls

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Pwede po baby blues pa lang po yan mommy. Good thing tumutulong si hubby mo pag-andyan sya. iopen mo sa kanya lahat ng nararamdaman mo. If iyak ng iyak si baby hug mo na lang sya. Maligalig lang talaga ang mga baby pagnew born kase nag aadjust pa din sila. Kaya mo yan mommy. Pray ka din always. https://ph.theasianparent.com/baby-blues-vs-post-partum-depression-whats-difference/?utm_source=search&utm_medium=app

Magbasa pa