Sore Nipple

Mga mommy ano po pwd ipahid / o gamot para sa nipple may sugat nag dahil sa pagpapa dede????

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ganyan din ako nung una mamsh nirecommend sakin ng pedia ni baby is lagyan ko daw ng petroleum yung part na may sugat kasi nagdugo talaga nipple ko nun tapos binabad ko lang siya ng ilang oras tapos um-ok na. Sabi sakin ng pedia ni LO lalagyan ko ng petroleum pero lilinisan ko daw muna bago ko ipadede ulit pero di ko ginawa yun, sa kabila lang ako nagpapadede kasi isang nipple lang may sugat tas overnight ko lang binabad yunh petroleum sa nipple ko tas nagtry ulit na padedehin si LO ayun nawala na. Saka laway din ni baby mismo ang nakakapagpagaling sa sugat.

Magbasa pa
5y ago

No problem mamsh 😊

Baka po mali paglatch ni baby. Kahit po kasi magpahid ka cream masstretch parin ni lo yan pag nagdede sya. Laway lang dn po ni baby magpapagaling jan after few days. Tuloy mo lang breastfeed mo mamsh ☺️

VIP Member

Pwedeng wala ka ilagay mommy kasi si baby din makakagaling nyan. Masasanay at masasanay din kasi ung nipple natin na may dumedede habang tumatagal saka mas natututunan ni baby yung tamang pag latch..

Laway lang ni baby mkakapag pagaling nyan mommy.. tiisin lng tlga ang sakit gagaling din yan

Yung breast milk nyo po mismo ang ipahid nyo around your nipples para mamoisturize siya naturally.

Wala akong nilagay sakin. Tiniis ko lang sakit sa pagpapadede. Mga ilang araw, nawala din sya.

Itulo mo lng ang pagpapadede..si baby lng din ang makakapagpagaling dyan sa nipple mo

Super Mum

Orange and peach natural nipple balm😊 effective and organic👌🏼

Try mo din check Yung proper latch para d laging mag sugat nipple mo.

Ung mismong breastmilk mommy yun po gamitin mo prang moisturizer 😊